Tuesday, May 30, 2006

More Pictures from Subic

MORE PICTURES!!! Hehe...













Actually marami ulit pics yan, pero nilagay ko lang yung mga pictures na andun ako hehehe. Thanks to Kat, Archie and sir Julius for the pictures hehehe. :P

Sunday, May 28, 2006

Grande Island, Subic

I just got back from Grande Island in Subic. Ito nga pala itsura ng lugar sa website nila:



Ganda noh? Ang lupit ng picture! Ang daming kulay! Tapos, ito yung picture nung dumating kami sa Subic nung umaga:



O ha? San ka pa? Ang lapit sa picture di ba? Haha! Yung nakikita mong tubig, yan ang swimming pool! Walang tubig! Walang hiya! Haha!:P

Anyway, kahapon, May 27, nag-outing ang Verifone company sa Subic, Grande Island. Well, kahit na Antico Manila Inc. ang company kung saan ako nagtatrabaho, since deployed ako sa Verifone, kasama kaming mga taga-Antico sa outing, hehehe, kasi pag hindi raw kami kasama, ang konti na lang nilang matitira hahaha! Anyway, it was a three hour trip going to Subic, then pagdating namin doon, bawal magdala ng pagkain! Kailangan iiwan sa may pier, leche sila hehehe. So ayun, yung mga may dala ng chips, iniwan nila sa pier yung baon nila, ako walang dala, tubig lang hehehe. So we rode the ferry going to Grande Island, saya naman, pumunta pa kaming deck hehehe. When we got to Subic after the 30 minute boat ride, nagulat kami! Ang pangit! Haha! Iisa lang nasa isip naming lahat, "Ito na yun?" Hahaha! Seryoso, kalokohan yung lugar. The grass areas were almost dead, the beach looks fake because of its being man-made, ang lalayo ng mga kainan at rooms where we stayed, at walang laman na tubig yung swimming pool na ang laki laki, wala namang laman! 2-3 days pa raw bago mapuno, leche... I was with Greg, Richelle and Katrina sa room, kami kasi yung mga baguhan hehehe. :P

So we got to our rooms and ayun, nagpahinga lang kami then nagbihis na para pumunta sa beach. So punta kami doon, swimming...swimming...swimming... wala naman kasing bang pwedeng gawin hehehe. I also rode the banana boat for the first time!!! I was with Karla, Jenie, Karl and Ryan sa banana boat, kaso wala akong picture, wala kasing kukuha hehehe. Astig pala yung banana boat, kaso hindi nahulog yung sa amin hehe. Anyway, we just swam for around 3 hours din. Naglaro pa kami ng Touch the Dragon's Tail sa beach! Haha! SQA team daw versus DEV team, haha! hindi natapos yung laro kasi napagod na kami, so naglaro na lang ng taya tayaan, ang kulit! Tapos ito, kulit ng hirit, nung napagod na maglaro, sumigaw si Ryan na officemate ko, "TOUCH THE COLOR... BLUE!!!" Eh yung officemates kong girls na may "hinaharap", naka blue na bathing suit tops! Haha! Grabecious, natawa na lang kami, hehe, nakakahiya pero syempre, katuwaan lang, hindi naman niya tinuloy eh hehehe. Salbaheng bata hehehe.:P

At around 5pm, umahon na kami sa beach, naligo at nagbihis na sa room for dinner and manonood kami ng cultural show hehe. Galing ng cultural show! Inalok pa kami turuan ng cultural dance, pero nagkunwari na lang kaming kumakain kami para hindi kami mahatak hehehe. Isa lang nahatak sa amin, si Karla na SQA din, nakakatawa, sabi pa niya, "Ayaw ko, nahihiya ako..." Tapos nung andun na, todo sayaw naman hehehe. Then after dinner, nanlibre si sir Oscar ng inuman, ang daming beer!!! Hindi naman ako naglasing pero as usual, namula ako ng todo. I just drank 2 cans of Red Horse Extra Strong and one shot of Tequila, shet mehn, sarap ng tequila, namiss ko yun sobra hehehe. Kasabayan ko uminom yung mga ibang SQA, sila Mike, Katrina, Karla, Jenie, Ryan at si Kuya Ricky din, ang aming astiging maintenance guy at front desk attendant sa morning hehehe. It was a drinking and videoke night, grabe, sharap ng ganung buhay hahaha! Libre pa! I didn't sing though hahaha! Kakahiya eh hehehehe.:P

We got back to our rooms at around 11pm na, medyo may tama na yung iba sa amin, ako hindi naman, namumula lang ako as usual hehehe, tisoy eh hehehe. So me, Greg, Richelle, Katrina, and Mike just stayed in our room and watched a Japanese movie sa Star Movies hehehe. Then, nakatulog na ako kasi hindi pa ako natutulog the night before (that's another story hehehe, inuman naman kasi yun sa Drews with Tristan, Mike Lim, Fael, Marian and Hannah, fun din yun hehehe). Sayang nga, nakatulog ako, marami pa raw happening nung gabi hehehe, yung mga typical, dramahan ng ibang girls dahil lasheng na sila, at yung isa, nawalan daw ng cellphone at naghanap pa ang marami para sa cell phone niya pero yun pala the whole time, nasa bulsa lang niya wehehehe, funny story lang, kaso tulog na ako nun hehehe. Sayang. hehehe. Well, the usual stuff happens ng mga ganun, biruan, kwentuhan at gaguhan hehehe. Simpleng kasiyahan lang kami.:P

Nung morning naman kanina, we just played billiards and then packed our bags. Syempre picture picture muna bago umalis, Verifone and Antico peeps are so camwhores! Haha! Pero astig, ang fun nila kasama sobra hehehe. Then pagdating sa bus, nagtanong yung organizer, "Ano? Kumpleto na ba tayo? Wala ng kulang? Sige, HINDI NA TAYO BABALIK DITO HA?!?" Tapos sigawan at palakpakan kaming lahat! Hahaha! Wala lang, ang mean pero disappointing talaga eh hehehe. But still, we had fun. Then back in Manila, nag late lunch lang kami sa McDo nila Mike, Nelda, Peter, Karla, Archie and Ryan hehehe. I got home at around 5pm, disappointed sa place, pero super satisfied sa katuwaan with my officemates.:P

Here are some pictures of my Subic trip:

(From top to bottom) Jeng, Archwin, Jenie, Karla, Archie, Ryan, Greg, and Richelle during the bus ride.
Katrina, Richelle, Van, Mike, Greg, Ryan, Archie, and Karla during the boat ride.

The DEV team plus Greg: Nelda, Jeng, Peter, Gene, Darwin, Camille, Jo, and Ruby
Greg, Richelle, Katrina, Karla and Me (ako lang nakatingin kasi may isa pang kumukuha hehe)
Ang mga madalas kong kasama na SQA hehehe. (Greg, Richelle, Katrina, Mike, and Ryan)
Ang dalawang girls na nambu-bully sa akin sa opisina... hehe joke! (Jenie and Karla with Karl)
Mga walang magawa kaya nagpicturan na lang, hehe (Greg, Mike, Richelle, Jenie, Katrina, Ryan, and me)
Likod ng mga rooms, sarap tambayan hehehe.
Cultural Dance performance
Katrina and a lobster red me hehe
Karla and the gwapong tisoy wehehehe
Lobby area
Me and the camwhores of Verifone and Antico hehehe
The room 8823 team! Haha! Greg, Katrina, Richelle, and me! (sa boat yan hehe)

Ang huling hirit ng World Champion of the World! Haha!

Actually, maraming pictures talaga yan, pinili ko lang kasi nakakatamad mag-upload ng maraming pictures hehehe. At kung napansin niyo, wala masyadong pictures ng beach at ng lugar mismo, isa lang dahilan, ang pangit kasi hehehe, joke, hindi lang talaga interesting kasi kuhanan ng picture and I just chose the pictures that looked real lively naman, lalo na yung mga pictures na andun ako hahaha joke! The trip was great naman in fairness, lots of fun moments and ang saya rin kasama ang mga Verifone/Antico people. Isa lang masasabi ko sa outing...BULOK ang Grande Island, pero ASTEEG ang mga tao ng Verifone at Antico. Total coolness sa kulitan. :P

Friday, May 19, 2006

Idol Pare!!!

Behold...
Photobucket - Video and Image Hosting
Uchiha Itachi!!!

Haha! Wala lang, na-adik na ako sa walang kamatayang Naruto eh hehehe.

:P

Wednesday, May 17, 2006

Last Day

Hindi ito last day sa work as in terminated na ako...hehe...

pero...

last day ko na dito sa main office!!! Waah!!!

Wala lang, nakakalungkot lang kasi kung kailan nakikilala ko na mga officemates ko dito sa office, saka pa ako lilipat ng Orient Square building. Hay, although sabi ni Paula, officemate ko near my work station, ang ganda raw ng office ng Verifone sa Orient Square, malinis pa raw ang banyo hehehe. So at least there's something to look forward to hehehe. Pero yun nga, nakakalungkot lang kasi somehow, nakakausap ko na yung mga nakasama ko sa office, sila Jeff at Jay na nung Friday ko lang nakausap habang lunch out sa KFC, si JM at Jessy na kasabay rin sa lunch, si Vince kahit di ko nakakausap kasabay din sa lunch hehe, si Cherry na tahimik lang pero nakakausap ko naman habang lunch din, si sir Uri ang aming trainer na boyfriend pala ni Tiff at naging teacher ng mga kaibigan ko sa Ateneo hehehe (small world), si ma'am Lera na taga-HR na nag-asikaso ng mga employee stuff like Philhealth, ATM payroll account, etc. at sa pagiging kalog na kausap, at sila Jana and Paula who are the two testers na malapit sa work station ko na kasangkot namin sa chichirya papak fest habang meryenda time at pagpuno ng basurahan hehe. They all welcomed me warmly sa company and they really did their best to make me feel comfortable sa company, ang masasabi ko lang, asteeg. Thank you sa kanila coz they made my first week in Antico nice and comfortable. Isa pa pala...goodbye temporary workstation... mahaba-habang panahon din ang napagsamahan natin sa pag-program sa C at C++ at pagaabang sa NBA scores at pagbabasa ng blogs at pagbabasa ng Naruto manga at pag-checheck ng email hehehe. :)

At mamaya, lilipat na ako sa Orient Square building. Exciting din kasi syempre, mas maganda raw yung office and definitely mas malaki hehe, mas malamig pa raw ang aircon. And most of all, exciting kasi there are new people there to meet dahil sila ang makakasama ko sa company for the longest time hehehe. Sana masaya. :)

:P

Friday, May 12, 2006

Five Days

It's been five days since I started working here in Antico. To evaluate my week, hmmm.... I can somehow say it was fine and fun. :)

Actually, wala pa naman akong masyadong ginagawa sa office. Training pa lang naman talaga ako eh hehehe. Ano ginagawa ko sa training? Wala... blog, chat at tingin ng scores sa NBA, hehehe, joke lang, meron naman syempre. Nag-aaral ulit ako ng C/C++ programming. Masaya actually kasi astig yung manual na binigay as akin, sobrang laking tulong sa pag-aaral ng programming kasi madaling maintindihan and may mga examples pa. Kahit ako, hindi ko inakalang makakatapos ako ng mga anim na C programming exercises in just 3 days, o di ba? Somehow, sobrang morale booster kasi at least nakikita kong kakayanin ko hehe.

Anyway, five days ko nang ginagawa yung training, fifth day ko ngayon actually hehehe. Since Monday, aalis ako ng office ng before or a little after 7pm. Nakakauwi ako lagpas 8pm na, at dahil nakakapagod din mag-commute, check lang ng e-mail, surf ng internet sandali, tapos tulog na before 11pm. Wow, hindi ako natutulog ng ganun dati hehehe.

Ito lang masasabi ko so far about what I've been doing at work, it reminds me a lot of my College days nung time na gumagawa kami ng thesis hehehe. Parang thesis talaga, programming all day except for the fact na hindi ko kasama sila Guiller, Bel, AJ, Jed, and Hubert at ang makukulit naming harutan sa laboratory. Astig, nakakamiss pare. Nakakamiss ang sobrang biruan, hiritan, coffee sessions, Zuma, kamanyakan, power naps, lunch sa manang's, at marami pang iba. Syempre sa office, mas serious ang mood, pero may konting biruan pa rin hehe. Siguro hindi ko pa kasi ka-close mga andito, lalo na kapag na-deploy na ako sa Verifone, wala akong kilala doon.

But the suspense and the excitement of knowing new people is there kahit anong mangyari. Masaya makakilala ng bagong tao kahit na it will take some time to really get close to them. Astig, mga ka-age ko lang kasi ang mga nasa Antico, madaling makarelate, hehe. So far, I'm doing fine at work and nag-eenjoy naman ako. Sabi ko nga before, wala akong pakialam sa sweldo, basta gusto ko ginagawa ko at gusto ko yung working environment ko kasama na dun ang mga katrabaho ko. Nakakamiss ang College, lalo na ang F311 moments. However, game ako sa adventure sa pagharap sa bagong buhay, tapos na ang College, time to get serious hehehe. Kaya ayun, so far, enjoy ako, masaya ako sa ginagawa ko kahit nakakapagod. No regrets pare, hehe.

By the way, umabot daw ako sa cutoff na May 15 sweldo, kaso baka 3 or 4 days lang na sweldo ang counted hehehe. Pero kahit na, it's my first paycheck! (pero sa ATM siya papasok, so paano naging check?!?)

Ito pala yung temporary desk ko sa main office ng Antico Manila Inc. Linis di ba? Laman lang niyan, computer at yung training manuals ko, hehe.
:P

Monday, May 08, 2006

First Day Phunk! :P

Toot-toot-tooot-toot... toot-toot-tooot-toot.... Alarm clock ng cellphone ko! Wakey wakey! It's my first day as an employee!!!

Gumising ako ng mga 5:30 am para siguradong makarating ako ng opisina sa Shaw Boulevard ng mas maaga sa 8:30am. Since first time kong mag-commute papunta doon ng rush hour, kinailangan kong umalis nang maaga para matantsa ko yung tagal ng biyahe ko. Kain, ligo, tutbrash, at bihis ng slacks at long sleeves bago pumasok. 6:30am, umalis na ako ng bahay, ayos.

Hinatid ako ng dad ko sa LRT station, pagdating ko doon, pila para sa pagbili ng ticket at pila rin para sa pagsakay sa LRT, pero mabilis lang yun. Pagdating ng around 7am, nasa Cubao station na ako para naman mag-MRT. Pagdating ko naman sa MRT station, ayun, pila ulit! Syempre, kailangang mag-tiyaga at pumila tulad ng iba. Pagkabili ko ng ticket, pagkita ko sa pila papasok sa platform ng tren, huwaw!!! Ang haba ng pila!!! Eh kasi naman pala, hindi sila nagpapapasok agad kung puno pa ng tao ang platform, tama nga naman hehe. Pagdating ko sa dulo ng pila, may namukhaan ako...si Gouki!!! Aba, nakakita pa ng Gabayano sa MRT, may OJT kasi siya sa iBank sa Magallanes, grabecious, ang layo nun hehehe. Ayun, nagkakuwentuhan sandali at sabay na kaming nakapasok sa platform. Pagdating sa platform, HUWAW!!! Ang daming tao!!! Walang hiya, nakaapak kami ng platform ng mga 7:10am, nakasakay kami almost 8am na hehehe. Take note, hindi kami naglakad papasok ng tren, tinulak na lang kami ng kusa hehehe, ayos sa sardinas.

Dumating ako sa opisina ng 8:20am, ang aga ko sa lagay na yun kasi sabi sa akin ng HR na si Lera, dumating na ako ng mga 9am. Syempre ang aga ko, pero si Lera, dumating 9am na hehe, pero hindi naman late yun hehe. So tinawag na niya ako para orientation at may hinihintay pa raw kaming isa, si Katrina! Siya yung nakasabay ko sa interview last week, astig, kasi kilala ko na siya at buti tinanggap din niya yung trabaho, at least may friend na agad ako sa work hehe. So simpleng orientation lang, company policies at guidelines tapos fill up lang ng forms para sa Pag-ibig fund, Tin number at ATM payroll account. Simple lang ng orientation, puro kwentuhan nga lang kami hehe, kasi kahit si Lera makwento, nakakatuwa kasi ang daling kausap hehe, eh alam mo naman ako, madaldal at mahirit hehehe. Pagkatapos, may tour kami around the office at pinakilala sa mga tagaroon, ayos, nakilala ko lahat pero wala kaong naalalang pangalan hehe, dami kasi nila hehe, pero astig kasi halos ka-age ko lang silang lahat. At ito pa pala, sa company, dalawa lang kaming Atenista, karamihan Lasallians, hehe. Kaya natuwa yung isang Atenista kasi may kakampi na raw siya hehehe, siya si sir Uri (prounounced as Yuri).

Inabutan kami ng lunch break, si Kat, may baon, ako wala pero sinamahan na niya ako bumili ng pagkain sa canteen at dalhin sa pantry sa opisina. So ayun, naglunch ako kasama si Kat, Lera, Cherry, Paula, Jana at Jay, pramis ang babait nila hehe, tapos ako shy lang ako sa kanila hehe.

Anyway, pagtapos ng lunch, ayan, simula na ng training. So ayun, tinawag kami ni sir Uri para i-orient kami sa training. So basically, ang una naming gagawin ay pag-aralan ang tig-dalawang inches na manuals ng C Programming Manual, C++ Programming Manual at yung manual ng sistema ng client nila (kung saan kami idedeploy eventually). Tapos, yung inaakala kong one month na training ko sa main office, naging less than 2 weeks! Hehe, kasi kailangan na raw nila ng dagdag tao tapos may training pa kami doon kaya by May 17, sa Orient Square building na ako papasok.

So yun lang talaga ginawa ko buong hapon, nagbasa ng mga 50 pages worth ng C programming manual at nagsubok ng mga sample programs. Sa mga gitna nun, minsan napapa-idlip ako o kaya nama'y nakikipagchat sandali sa YM para mangulit ng mga taong makulit sa YM hehe. Enjoy naman, may sariling work station na rin ako at computer, pero syempre temporary lang yun kasi lilipat pa ako sa Ortigas na office ng client ng company.

Busy ang mga tao sa Antico Manila Inc. pero masaya kasi parang kang nasa College lang ulit, puro ka-age ko kasi. Si sir Uri pa nga, biglang nag-message sa amin ni Kat ng around 4pm, sabi niya, "Hello my newly found friends! Gusto niyo mag halo halo?" Syempre ako, "sige ba!" Hehe, so sumama kami kina sir Uri at Jana at dalawa pang officemates para maghalohalo, kaso pagdating namin, wala ng halo halo, kaya nag-Zagu na lang kami sa Cherry Foodarama, astig, namiss ko na kasi ang Zagu, 2nd year college para yung huli kong inom nun hehehe. Natawa pa ako, kasi ng dumating ang 6:30pm, nasa office pa ako at napaisip kami ni Kat na hindi pala kami naka-log-in. So nag-message ako kay Lera ng HR. Ang message ko, "Ate Lera, paano yung log-in namin? Hindi kami naka-sign. (with belat smiley)". Then ang sagot niya, "anong ate? 22 lang ako noh! hehehe." Tapos pinuntahan niya kami at sinamahan mag-log-in. Sabi ko sa kanya, "uy, joke lang yung ate hehehe. 22 ka lang talaga? Kailan ka mag-23?" Ang sagot niya, "November." Tapos si Kat, "Ako rin! November!" Ako, naisip ko na lang, syet, matanda pa pala ako sa lagay na to... ako pa ang newly employed hehehe.

Anyway, ito, nasa bahay na ulit ako, sumabay na lang ako kay Tristan pauwi, may kotse kasi siyang dala. Naglakad ako mula Shaw hanggang Emerald avenue sa may Ortigas, malayo pero ayos lang hehehe. Nakakatuwa naman ang first day ko, na-feel ko kahit papaano ang welcome ng kumpanya sa akin kahit na super busy ng mga tao. Kahit si sir Kit, yung CEO, pumunta pa sa work stations namin para i-welcome kami sa company, ang bait hehe. Parang ngayon, ayaw ko nang ma-deploy sa Orient Square kasi parang okey na ako sa mga officemates ko sa main office, pero syempre, exciting pa rin pag lumipat, marami pa akong makikilalang iba't-ibang tao at officemates. Kahit na puro basa lang ginawa ko kanina tungkol sa C programming (parang review), ayosh pa rin kasi nag-enjoy naman ako sa araw na ito. Sulit.

:P

Tuesday, May 02, 2006

Tagged by Chi

The first player of this game starts with the "6 weird things/habits about yourself" and people who get tagged need to write a blog of their 6 weird habits/things, as well as state this rule clearly. In the end, you need to choose 6 people to be tagged and list their names. Don't forget to leave a comment that says "you are tagged" in their comments and tell them to read yours.

1. I always tinker with the things that I have at home and then when I make a mistake and destroy that thing I was tinkering with, I scold myself for about 30 minutes for simply doing a stupid thing.

2. I dip Broas in Coke, and then I drink the Coke with all the "lusaw" broas crumbs in it.

3. I get mad and irritated at people who do not put CDs in the right CD case especially pag CDs ko pa yun. Sorry, kung OC ako sa isang bagay, sa mga CDs ko yun hehehe.

4. My greatest fantasy is to be able to fly up to the clouds (without a flying vehicle) and see a Care Bear jumping on a puffy cloud, hehehe.

5. Up to now, I've always wished that I could do anime powers like Kamehame-ha and Reigun hehehe.

6. Up to now, I usually buy clothes for myself once a year. I always wait for my mom to buy me clothes to wear. Habang wala pang bago, sige, ulit lang nang ulit ng damit hehehe.

i'm tagging: ate les, mike lim, tristan, tehani, grace, guiller

:P

Late nanaman!!! Pero oks lang

Ginising ako ng dad ko ng mga 8:30 nang umaga. Ang sabi sa akin, "Hoy! Skip! Di ba may interview ka ng 10pm?!?" Ayun, nabulabog ang tulog ko. Ang tamad ko kasi gumising eh hehehe at kasalanan din ni Naruto kaya ako napuyat, ang dami niya kasing episodes hehehe. Anyway, may interview kasi ako sa Antico Manila Inc. ng 10am pero gumising ako ng 8:30am at nakaalis na ako ng bahay ng 9:10am, good luck na lang kung umabot ako ng 10am sa Shaw Boulevard! Dagdag pa diyan, sinisipon pa ako at ang bigat ng katawan ko, bahala na...

So hinatid ako ng dad ko sa Summit One tower sa Shaw at pagtingin ko sa orasana, 10:20am na! Late na ako!!! Pero pag-akyat ko, sinalubong ako ng tao sa front desk at sabi ko, "I'm here for a scheduled interview. I'm looking for Lara." Naks, with slang accent pa yan hehe. Tapos ayun, tinawag si Lara at dinala na ako sa kwarto at may nangyaring hiwaga... ni-rape ako... Hehe, joke lang.:P

Mabait yung nag-interview, very welcoming ang kanyang attitude sa akin. Mas more of introductory interview lang yung nangyari at ipinaliwanag lang niya sa akin yung job position na inaaplayan ko. Actually, software engineer talaga yung unang application ko, pero sabi nila, may candidate na raw sila para sa position na yun at nirefer na nila ako para sa Sotware Quality Assurance (SQA) position. Oo nga pala, hindi niya yata nahalata na late ako sa interview hehe.:P

Nagtagal ng mga 20 minutes ang interview, at pagkatapos sabi niya na maghintay na muna ako sa may front desk para sa technical interview ko. Aba! Akalain mo, pagkatapos ng first interview, technical interview na agad! Kinabahan ako, pero ayos lang, bahala na hehe. Habang naghihintay ako sa may front desk, may nakilala ako. Katrina ang pangalan niya at fresh graduate siya from UST ng computer science. Nag-aapply din pala siya sa kumpanya kapareho ng position na inaaplayan ko. Maya-maya, lumabas ulit yung nag-interview at sabi niya, sorry daw kasi kakatapos lang ng meeting nung magiinterview sa amin at lunch break na so nakiusap siya na bumalik na lang kami ng 1:30pm. So ayun, lumabas kami ng opisina at niyaya ko na lang yung nakilala ko na sabay na kami mag-lunch sa Jollibee.

Pagbalik namin ng 1:30pm, tinawag na ako para sa interview ulit. May lumabas na lalaki, medyo grey na ang buhok pero mukhang mabait, ang sabi niya, "Hello, are you Pitt?" (with an American accent). OMG! Amerikano pala! Yun yata yung CEO na American na sinasabi nung unang nag-interview kaso hindi ako sigurado kung siya nga yun hehe. Pagdating ko sa office niya, huwaw, overlooking pa ang view! Tapos nagsimula na ang interview. Wala naman talaga masyadong nangyari sa interview, technical kaso mas more of tungkol sa kung ano ang ginagawa ng isang SQA employee. Marami siyang sinabi pero astig, mukhang interesting at alam kong challenging. Medyo nakipagkuwentuhan ako nang kaunti, tungkol sa pamilya ko na nasa US at tungkol sa immigration status ko. Nagtanong pa siya sa akin, "So where do you see yourself 5 years from now?" Nasa loob ko, "Aba ewan." Hehe, pero syempre hindi yun ang sagot ko, sabi ko, "Well, I don't have any particular plans yet for my future. I just want to gain some experience first before going any further." (parang ganun yung sagot ko, pero syempre mas conversational yung pagkakasabi ko na may konting accent hehehe). Anyway, sobrang bait niya at ipinaliwanag niya nang mabuti sa akin ang trabaho ng SQA, nakaka-challenge. Halos isang oras ang inabot ng tagal ng interview, pero pagkalabas ko, wala akong kaba at pagaalinlangan, friends na kami ni kumpareng CEO hehehe. :P

Isa lang problema ko, may 2-year bond sila. Although, naisip ko na lang, kahit ano naman sigurong pasukan ko basta technical, kadalasan talaga may bond dahil sa mga gastos sa training. At sabi nga ni boss Kit (yung American), "It's for the transition. It's for making sure that there is enough growth gained by the employees from the work." (parang ganun ulit, di ko na maalala yung specific eh hehe). :P

Natapos ang interview ng mga 2:30pm na. Yung dad ko naman nasa San Mateo na kaya sabi ko commute na lang ako pauwi. Since commute na ako, hinintay ko na rin si Katrina na matapos ang interview niya at makamusta ko rin kung ano mga sinabi sa kanya. So sabay na kaming nag-MRT hanggang Cubao at dun na kami naghiwalay ng landas dahil pupunta siyang UST para kumuha ng transcript at ako naman, uuwi na para mag-research tungkol sa immigration, manood ng Naruto, at magpahinga hehehe.:P

Bukas, gigising ako nang maaga, at bakit? Para hintayin ang tawag ng Antico Manila Inc. Malay mo, tanggapin pala nila ako. Ipinagdadasal ko na lang na sana nga tanggapin nila ako, bahala na kung may 2-year bond, talaga naman kasing ganun. Gusto ko lang din naman talaga magka-trabaho at masimulan na ang aking Experience Gaining Adventure hehehe.:P

Kung hindi ka tataga, paano na ang nilaga? Kaya taga ka lang nang taga para may nilaga!

Sana magkatrabaho na ako... :)

:P

Picture ko sa Ateneo Grade School (I miss my long hair... hehe)
Me and my beloved Faura hehe. :P
Me and the Gabay Tambayan

Yun lang... :P