Wednesday, April 23, 2008

Para hindi mapahiya

Nagkukuwentuhan kami ng officemate kong si Mike kanina lang sa YM. Pupunta kasi sila ng boracay kasama niya girlfriend niya pati iba naming kabarkada dito sa office. Tinanong niya ako kung sa airport ba ay bawal pa rin ang liquids. Sagot ko naman, oo, bawal ang liquids sa handcarry pero okey lang kung sa check-in bag. Tapos biniro ko, sabi ko, "Kaya kung may condom kang dala, siguraduhin mong nasa check-in at baka mapahiya ka pa sa harap ng maraming tao pag nagconfiscate yun." Haha! Tapos tawa lang kami nang tawa sa YM. Napaisip din kami kung paano nga kung nasa bag mo yung condom at sinabi sayo na bawal yun at nilabas sa bag mo sabay confiscate habang nasa harap ka ng mga tao na nasa pila para magpacheck din ng bag. Pagtingin mo sa mga tao sa pila, ito ang ilan sa mga naisip namin para hindi mapahiya:

1. Humirit ng classic, "Eh kaysa naman sa mag-drugs ako!!!"

2. Maging defensive, "Ano gusto niyo? Makabuntis ako?!?"

3. Ibintang sa iba, "Ah nagtext kasi si Marc Nelson, nagpabili ng extra supplies." (yun nga lang sabi ni Mike, baka mapagkamalan kang bading hahaha!)

4. Magyabang, "Hehe, sinabihan kasi ako ni Ehra Madrigal na magbaon eh..." (magwish ka na lang na sana wala siyang kamag-anak dun hehe)

5. Ibintang ulit sa iba, "Anak ng tokwa! Sabi sa akin ng tatay ko kendi daw to eh! Pang kontra-biyahilo daw... pambihira..."

Hehe, naging katuwaan lang naman ang sitwasyon. Mga tipong "what-ifs" na ano ang gagawin mo kung mangyari sayo yan. Ang sabi rin ni Mike, matawa ka na lang na kapag naconfiscate sayo, pati lahat ng lalake sa pila biglang naghalungkatan ng bag at nilabas ang mga sarili nilang "baon" hahaha! Pero hindi naman yun ang tanong ni Mike, hindi naman tungkol sa "baon" na yun, tinatanong niya talaga sa akin ay shampoo haha! Biniro ko lang si Mike kaya naging ganun yung usapan hahaha! Anyway, na-curious lang kami sa anong posibleng ihirit ng mga tao pag nagigipit sa sitwasyon, mga tipong palusot na patawa para lang hindi ka mapahiya, bistado ka na eh, subukan mo na lang wag mapahiya haha!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home