Friday, May 12, 2006

Five Days

It's been five days since I started working here in Antico. To evaluate my week, hmmm.... I can somehow say it was fine and fun. :)

Actually, wala pa naman akong masyadong ginagawa sa office. Training pa lang naman talaga ako eh hehehe. Ano ginagawa ko sa training? Wala... blog, chat at tingin ng scores sa NBA, hehehe, joke lang, meron naman syempre. Nag-aaral ulit ako ng C/C++ programming. Masaya actually kasi astig yung manual na binigay as akin, sobrang laking tulong sa pag-aaral ng programming kasi madaling maintindihan and may mga examples pa. Kahit ako, hindi ko inakalang makakatapos ako ng mga anim na C programming exercises in just 3 days, o di ba? Somehow, sobrang morale booster kasi at least nakikita kong kakayanin ko hehe.

Anyway, five days ko nang ginagawa yung training, fifth day ko ngayon actually hehehe. Since Monday, aalis ako ng office ng before or a little after 7pm. Nakakauwi ako lagpas 8pm na, at dahil nakakapagod din mag-commute, check lang ng e-mail, surf ng internet sandali, tapos tulog na before 11pm. Wow, hindi ako natutulog ng ganun dati hehehe.

Ito lang masasabi ko so far about what I've been doing at work, it reminds me a lot of my College days nung time na gumagawa kami ng thesis hehehe. Parang thesis talaga, programming all day except for the fact na hindi ko kasama sila Guiller, Bel, AJ, Jed, and Hubert at ang makukulit naming harutan sa laboratory. Astig, nakakamiss pare. Nakakamiss ang sobrang biruan, hiritan, coffee sessions, Zuma, kamanyakan, power naps, lunch sa manang's, at marami pang iba. Syempre sa office, mas serious ang mood, pero may konting biruan pa rin hehe. Siguro hindi ko pa kasi ka-close mga andito, lalo na kapag na-deploy na ako sa Verifone, wala akong kilala doon.

But the suspense and the excitement of knowing new people is there kahit anong mangyari. Masaya makakilala ng bagong tao kahit na it will take some time to really get close to them. Astig, mga ka-age ko lang kasi ang mga nasa Antico, madaling makarelate, hehe. So far, I'm doing fine at work and nag-eenjoy naman ako. Sabi ko nga before, wala akong pakialam sa sweldo, basta gusto ko ginagawa ko at gusto ko yung working environment ko kasama na dun ang mga katrabaho ko. Nakakamiss ang College, lalo na ang F311 moments. However, game ako sa adventure sa pagharap sa bagong buhay, tapos na ang College, time to get serious hehehe. Kaya ayun, so far, enjoy ako, masaya ako sa ginagawa ko kahit nakakapagod. No regrets pare, hehe.

By the way, umabot daw ako sa cutoff na May 15 sweldo, kaso baka 3 or 4 days lang na sweldo ang counted hehehe. Pero kahit na, it's my first paycheck! (pero sa ATM siya papasok, so paano naging check?!?)

Ito pala yung temporary desk ko sa main office ng Antico Manila Inc. Linis di ba? Laman lang niyan, computer at yung training manuals ko, hehe.
:P

4 Comments:

  • ako ren. gusto ko nang magkatrabaho.

    By Anonymous Anonymous, at 1:41 PM  

  • marian, may perks din ang pagiging estudyante :-P hinay hinay lang :)

    pitt, binubuko mo mga harutan natin sa F311 ha! hahahaha!!! joke! oO nga, kamiss ang thesis lab moments... hindi nga lang ako nakapagprogram though hahaha!!!

    By Anonymous Anonymous, at 1:28 AM  

  • pwedeng paxerox ng training manuals? HAHAHA

    By Blogger balikbayanbok, at 3:40 PM  

  • haha! hello marian! hello guiller! hello pael! hehehe, hindi pwede ipaxerox yung training manuals, under company property ito eh, kakarnehin ako ng boss ko niyan hahaha! :D

    By Blogger pittasteeg, at 5:52 PM  

Post a Comment

<< Home