Monday, April 10, 2006

Pagkain Galore!

Kagabi... ang sarap...

busog...

3 days ago, naka-receive ako ng text message mula sa isang taong mag-iisang taon na ang blog entry na "Goofy Goober". Napaisip pa ako, baka nagyayaya ng gimik ito, kaso nang nabasa ko ang message, imbitado raw ako sa debut ng kapatid niya.

Huwat? Debut? Eh hindi ko nga kilala yung debutante eh...

Yan ang mga pumasok sa isip ko nang binasa ko yung message, so naitanong ko rin kung bakit ako pupunta eh hindi ko naman kilala yung debutante. Ang reply, marami raw kasing hindi pupunta kaya sabi ng mom ng kaibigan ko, magyaya raw ng mga kaibigan.

Ayun, pampuno pala kami ng lugar...

Ayos lang, libreng pagkain din yun hehehe...

Syempre debut, formal, kaya napilitan akong magmukhang tao hehe. Kasama ko sila Tristan, Avs at Ontoy na mga sabik din sa libreng pagkain, syempre catered yun, BUFFET! Dumating ako doon sa Fernwood Gardens, mukhang tao, disente ang itsura at walang kaalam alam kung sino ang debutante, kahit regalo wala akong dala hehe. Pero nang ipakilala na ang debutante sa lahat, ayan, kilala ko na kung sino siya hehe.

Nang dumating ang panahon ng kainan, may protocol sila na bago ka kumain, kailangang magpapicture muna ang table niyo kasama ang debutante. Syempre, kaming mga hayok sa pagkain, kahit di naman close sa debutante, ayun, smile nang smile habang kinukunan ng litrato. Ang saya, mukhang tao na, nakapagpapicture pa, at makakakain na, sa wakas hehe. Masarap ang pagkain, may chicken, spaghetti, beef, blue marlin, at tempura, walang hiyang tempura.

Ang tempura ang masarap pero kailangang ipaglaban pa, hehehe. Usually kasi ang binibigay dalawang piraso lang ng tempura bawat tao, syempre ako, hindi kuntento sa dalawa, kaya humingi pa ako ng dalawa pa sa waitress. Ang tanong niya sa akin, "bakit sir? ilang po ba kakain?" Anak ng, para sa dalawang tempura, kinailangan ko pang magsinungaling kaya ang sabi ko, "ah, may kasama pa kasi ako sa table, nagpapakuha sa akin." Ayun, nakuha ko ang extra tempura ko pero kinailangan ko pang magkasala ng pagsisinungaling, ayos, busog pa rin hehehe.

Natapos ang debut mga 11pm na, kinailangan na rin namin umuwi kasi baka malagot si Avs sa kanyang tatay, cinderella time kasi. Sana naging masaya ang debutante at sana naging unforgettable experience ang kanyang birthday. Pero isa lang masasabi ko, kami masaya nang gabing iyon, busog at lunod sa tempura at desserts (may chocolate fountain din nun! sarrrap!). Puno ang mga tiyan ng mga naatasang maging pampuno ng isang party, hehe, astig. :P

2 Comments:

  • pitt!! ngayon k lng nakita may blog ka pla. haha i can't u believe u lied for more food!! haha tawang tawa ko dun :) anyway i'm glad to see ur doing ok! congrats pala :) saw ur grad pics! take care now :)

    By Anonymous Anonymous, at 2:53 PM  

  • lavi!!! haha! buti naman natuwa ka sa kwento ko. Syempre magsisinungaling ako for FOOD! haha! Thanks lavi, i hope you're doing okay din. take care rin!!! :)

    By Blogger pittasteeg, at 7:49 PM  

Post a Comment

<< Home