Monday, February 20, 2006

Mga Pangyayari sa Isang Araw ng Buhay Ko

Chapter 1: Sa Umaga

Paggising ko nang 9am nang umaga, dali-dali akong naligo, kumain ng agahan, at nagbihis para pumasok sa Ateneo dahil may meeting ako ng 11am para sa TCOM152 reporting namin. Gusto ko pa sana manood ng All-Star game ng NBA kaso hindi pwede, kailangan ng pumunta ng eskwelahan. Pagdating ng Ateneo, dumiretso ako sa thesis lab para kunin ang digicam ko para makunan ng litrato ang RMT para sa reporting. Pagdating ko ng RMT, nagkuha ako ng ilang litrato. Naroon din ang mga Blue Rep peeps kaya nung nakita nilang nagkukuha ako ng litrato, sinabayan nila ng ngiti ang pagkuha ko kahit hindi naman talaga sila ang kinukunan ko hehehe, pero oks lang, hindi ko na sila pinansin hehe (suplado ako eh, bakit ba???). Bumalik ako ng lab para i-cram ang reporting.

Chapter 2: Lunch Time
Syempre dapat may usapang lunch at pagkain hehehe. Ayun, nagutom ako at bumili ng pagkain sa caf. Nakita ko yung Eyrie at nag-order ako ng Mongolian Rice na P55. Nang ibinigay sa akin, ANAK NG TIPAKLONG! ANG DAMI!!! Grabe, ga-bundok talaga ang dami ng kanin, pakiramdam ko magkakasala ako sa aking katawan dahil tataba nanaman ako sa dami ng kanin na kakainin ko. Sinubukan ko talagang ubusin (tinulungan pa ako ni Guiller), at naubos ko naman, kaso halos masuka-suka na ako sa dami ng kinain kong kanin, nasuya lang talaga ako...bleeechhhh....buti na lang may C2 ako kaya masarap naman inumin ko kahit pekeng iced tea lang iyon na puro asukal hehehe.

Chapter 3: Ang Reporting

May reporting ako, Guiller, Jed, Jerry, at sa TCOM152 tungkol sa acoustics ng Rizal Mini Theater. Dahil sa una kong kwento, obvious na crammed ang aming reporting hehe. Kaya ayun, minamadali namin ang paggawa ng powerpoint presentation dahil 2:30 ang aming reporting. Dumating ang 2:30 at nagsimula na kaming mag-ayos para sa aming presentation. Dahil sa crammed ang aming report, medyo may halong pambobola na ang ibang parte ng presentation, at syempre, wala rin kaming praktis talaga sa flow ng aming presentation kaya in short, bara-bara hehehe. Pero pagkatapos ng aming report, alam niyo kung ano resulta mula sa aming prof? "VERY GOOD" Haha! Wala lang, nakakatawa dahil sa simpleng sikap at pag-cram ng presentation, nagawa pa naming makakuha ng "very good" mula sa aming prof. Hehe. Kahit papaano, kahit crammed, pinaghirapan pa rin naman iyon. (AYOSH!)

Habang may reporting kami tungkol sa RMT, napagmunihan ko lang ang panahon na nag-teatro ako sa Tanghalang Ateneo. Kahit papaano, namimiss ko na ang teatro at napapag-isipan ko kung bakit ko rin hinayaang umalis ako sa teatro. Alam kong minsan lumalabas sa akin na galit ako sa teatrong iyon, pero ewan, naiiinis ako sa mga maling dahilan, unfair naman di ba? Nakakamiss pero wala naman akong pagsisisi, dahil kung hindi ako umalis sa teatro, malamang hindi ako gaanong nakakasali sa Gabay, na para sa akin ay mas napahalagahan ko ang organisasyon at mas minahal ko kaysa teatro. :)

Pagkatapos ng reporting, tumambay muna ako sa may pagitan ng Faura at Dela Costa. Pagdating ko dun, biglang may nagtanong sa akin, "Kuya, ano ang Kupal?" Anak ng...hindi ko alam isasagot ko...obviously, babae ang nagtanong dahil kung lalake yun, ewan ko na lang kung hindi pa alam ng isang lalake kung ano iyon hehe. Hindi ko na lang talaga sinagot ang tanong, nakakahiya eh hehehe. Ang sinabi ko na lang, "It's a guy thing, wag mo ng alamin" hehehehe. Safe answer lang hehehe. :P

Chapter 4: Field Trip ko sa Megamall

Nang pumatak ng alas-sais ng gabi, kinailangan ko ng umalis ng eskwelahan para pumunta ng Megamall para bumili ng connectors sa Alexan para sa aming thesis. Hindi rin naman talaga ako naghangad na magsama pa ng kasama sa aking paglalakbay papunta sa Megamall kasi minsan, para sa akin, masarap din mamasyal mag-isa dahil marami akong napagmumunihan at pinapansin sa paligid hehehe. Bago ako lumabas ng Ateneo, habang naglalakad papuntang LRT, nakasalubong ko si Mark Wong (ECE dude). Dahil sa may banda Recto siya umuuwi, sabay na kaming naglakad papuntang LRT. Ayun, kwentuhan tungkol sa MP4 business niya. Kahit na may mga napansin akong mali sa kanyang mga teorya sa kanyang business, marami rin akong natutunan tungkol sa kung paano niya pinalalakad ang kanyang sinimulang business sa pagbebenta ng MP4. Kahit papaano, bilib din ako sa mga taong maaga pa lang, iniisip na nila agad ang pagiging businessman at pagkita ng pera.

Chapter 5: Sa Alexan

Nakarating ako ng Megamall pagkatapos ng mga halos 40 minutes. Mabilis naman kasi hindi naman gaanong karami ang sumasakay ng MRT at LRT. Pagdating ko ng Alexan, bumili ako ng mga connectors, ang mahal!!! Umabot siguro ako ng mga halos P300 para lang sa mga wires na pinagbibili ko, hehe, pero oks lang, kailangan talagang gumastos para sa thesis hehehe. Pero bad trip, hindi kumpleto nabili ko dahil wala raw sila nung 2-pin connectors (anak ng...) kaya nakakainis kasi ang layo na nga ng biyahe, hindi ko pa nabili lahat...kainis...

Chapter 6: Shopping nanaman ng CD

Pagkatapos ko mamili sa Alexan, dumiretso agad ako sa Music One sa building A ng Megamall. Wala lang, naisip ko lang na tumingin ng mga CD at pairalin nanaman ang pagiging gastador ko hehe. Habang nag-iikot, naalala kong gusto kong bumili ng Brownman Revival. Nakita ko na kaso napaisip pa ako, tapos nakita ko rin yung Orange and Lemons, gusto ko rin bilin, kaso nagdadalawang isip ulit ako... Nag-ikot pa ulit ako...habang naglalakad sa may OPM section, nakita ko ang isang CD na matagal ko ng hinahanap sa kung saan-saang mga Tower Records, Odyssey, Radio City at iba pang CD stores...CD ni Mishka Adams!!! Yung God Bless the Child CD!!! Sa wakas nagkaroon din dahil lagi na lang out-of-stock!!! (Hindi ko alam kung mabenta lang talaga o tamad lang si Mishka Adamas na magp-produce ng mga CD niya hehehe). Tapos yung special edition pa na may bonus vcd, at nag-iisa na lang! (PANALO!) Agad-agad kong kinuha bago pa ako maubusan. Dali dali ko itong dinala sa counter para mabayaran na at kasama nito ay ang CDs din ng Brownman Revival at Orange and Lemons, haha! (tripleng panalo!!! haha! di ko talaga matiis eh, magastos na kung sa magastos, yan lang naman ang luho ko sa buhay eh hehehehe)

Chapter 7: Ang Pauwi

Umalis ako ng Megamall ng mga alas-otso na nang gabi. Nang dumating ako sa may Cubao station ng MRT, may nakita akong tindahan, ang pangalan nito "Meet & Shop". Hehe, wala lang, natawa ako nung nakita ko kasi naalala ko yung Meatshop sa may Katipunan, napaisip lang ako kung ginaya lang ba nung tindahan yung lugar ng inuman sa Katipunan kung saan nagkaroon na ng barilan at saksakan wehehehe. Pagtawid ko naman ng Gateway papuntang LRT, may nakilala akong mukha mula sa malayo...si MADZ!!! (ECE dudette hehe). Ayun, nakasalubong ko, galing daw siyang Laguna at pauwi na sa dorm niya sa Katipunan. Kaya hinintay na rin niya akong bumili ng ticket at sabay na kaming sumakay ng tren. Tinulungan ko na rin siyang magbuhat ng laptop niya kasi naman sa mata pa lang, kita mo ng sobrang pagod na sa puyat, kawawa naman, gentleman lang din ako hehe. Habang nasa tren, iniisip ko kung saan ako bababa, kung sa Santolan o sa Katipunan, pero naisip ko sa Katipunan na lang para matulungan ko na rin si Madz sa pagdala ng gamit hanggang sakayan ng trike at tutal, iniisip kong mas madali sumakay sa may Aurora papuntang Sta Lucia. Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa thesis habang nasa tren. Pati tungkol sa "pinakamamahal" naming adviser sa robotics napag-usapan din hehe. Pagdating sa Katipunan, hinatid ko lang siya sa trike at diretsong sumakay na ako ng jeep para umuwi. Nang dumating ang jeep sa may Santolan LRT, naisip ko, "Buti na lang sa Katipunan na ako sumakay", dahil sobrang daming tao sa may LRT station kaya medyo punuan ang mga jeep. Habang pauwi rin, napansin ko, may isang tibo sa tapat ko na may katabing babaeng estudyante. Nang bumaba yung estudyante sa may Ligaya, nakita ko ang mga mata nung tibo, aba...ang lagkit ng tingin dun sa bumababang estudyante! Haha! Gusto kong matawa pero pinigilan ko na lang hehehe.

Chapter 8: Pagdating ng Bahay

Nakauwi ako ng mga 9pm na. Pumasok ng bahay at hindi na kumain ng dinner, kaya ayan, nagugutom tuloy ako ngayon hehehe. Kakain na lang ako ng saging mamaya hehehe.

Dapat nag-aaral ako ng CISCO Module 11 ngayon kasi may exam ako bukas, pero dahil nais ko talagang magkwento ng tungkol sa araw ko ngayon, ayan, mahaba ang entry ko ngayon sa blog hehehe. Next time ulit. Malapit na rin pala deadline ng aming thesis kaya malamang kayod na ito talaga sa trabaho, hay...sana maglakad na si BrUno, gusto ko nang makita ang "first step" ng inaanak namin. :P

0 Comments:

Post a Comment

<< Home