Isa Nanamang Bum Day
Nag-alarm ako ng 6:00 nang umaga, tumunog ang cellphone sa tabi ko. Kinuha ko lang ito at pinindot ang "snooze", gusto ko pa matulog... hehe. After 45 minutes, nagising na ulit ako, tatlo o apat na beses ko na ata pinundot ang "snooze" ng cellphone ko, kinailangan ko ng bumangon. At bakit ko kailangan bumangon nang maaga? Kasi may exam ako sa Antico Manila Inc. Ano naman ang Antico Manila Inc.? Isa itong kumpanya, software consulting yata hehehe. Basta, nakuha nila ang resume ko sa www.jobsdb.com at ayun, bigla biglang nag-apply daw ako sa kanila para sa posisyong, "Software Engineer Trainee (C/C++)". Ang bangis pakinggan, parang bang sobrang galing ko sa programming, pero kaya nga may training eh, para mahasa hehe. Ayun, gumising ako para sa exam na pupuntahan ko sa Shaw Boulevard ng 9am (since tamad ako mag-komyut, nagpahatid na lang ako, madali na maginhawa pa hehehe)
Nasa loob na ako ng Antico Manila Inc. office ng 8:45am (sakto!), anim lang kaming mag-eexam. Sabi ng instructor, "Please bring out your resumes and if you have you TOR, bring them out too." Parang ganun ang sinabi niya hehe, anyway, nilabas ko ang resume ko na one page, font 8, at may graduation picture ko sa upper right hand corner na 1x1. Proud na sana ako sa resume ko, kaso biglang yung katabing ko, girl siya, mukhang sobrang talino, mukhang nerdoks, naglabas ng resume. Aba! 3 pages! Sinubukan kong silipin kung ano mga nakasulat, at aba! May certification pa! Ang daming nakasulat sa resume niya, nanliit ako. Ang nagpapuno lang sa resume ko ay ang mga seminars na napuntahan ko na required, pero siya, ang lulufet ng mga nakasulat. Sige na, aminin ko na, bulok na resume ko hehehe.
Hay ewan, inabot ng tatlong oras ang exam na puro problem solving at mga tanong tungkol sa programming. Yung exam paper nga wala pang nakasulat na instructions kung ano gagawin, kaya ayun, isang part dun may flowchart na walang instruction kung ano gagawin ko doon. Matagal kong tinitigan ito at sinubukan pang silipin ang test paper ng iba, pero hindi ko rin naintindihan ang gawa nila kaya nag-imbento na lang ako ng sagot, mabuti ng meron kaysa wala. Pagpatak ng 12nn, uwian na, tapos na yung exam, sakit lang sa ulo ang nadulot sa akin. Pag-uwi ko, halong antok at pagkabagot ang pakiramdam ko. Kaya saan nauwi ang aking hapon at gabi? Internet, chat, DOTA, kain, DOTA, ligo, at DOTA. Hehehe, ang saya hehehe. Pero okey lang, dumating naman si Tristan at Avs sa bahay para makilaro ng DOTA. Pero hindi kami magkalaban, magkakampi naman palagi at pinipilit naming salakayin ang kahindik-hindik at madayang kompyuter AI. Hehehe, nanalo naman kami, syempre, dapat lang manalo hehehe. At bago matulog, blog muna hehehe.
Wala na akong makwento, kaya ito na lang pakita ko, Gundam Deathscythe Hell!!!
Haha! Wala lang, pinagaksayahan ko lang ng pera, pero masaya naman i-assemble hehehe. Mahilig lang talaga ako sa laruan, wala naman akong pinagkakaabalahan habang bakasyon eh hehehe. Cool noh? Hehe. :P

2 Comments:
syempre, kita yun grad pic sa background! hehe
By ava, at 8:01 AM
haha! oo nga, yun din sasabihin ko!
By chi, at 9:36 AM
Post a Comment
<< Home