First Day Phunk! :P
Toot-toot-tooot-toot... toot-toot-tooot-toot.... Alarm clock ng cellphone ko! Wakey wakey! It's my first day as an employee!!!
Gumising ako ng mga 5:30 am para siguradong makarating ako ng opisina sa Shaw Boulevard ng mas maaga sa 8:30am. Since first time kong mag-commute papunta doon ng rush hour, kinailangan kong umalis nang maaga para matantsa ko yung tagal ng biyahe ko. Kain, ligo, tutbrash, at bihis ng slacks at long sleeves bago pumasok. 6:30am, umalis na ako ng bahay, ayos.
Hinatid ako ng dad ko sa LRT station, pagdating ko doon, pila para sa pagbili ng ticket at pila rin para sa pagsakay sa LRT, pero mabilis lang yun. Pagdating ng around 7am, nasa Cubao station na ako para naman mag-MRT. Pagdating ko naman sa MRT station, ayun, pila ulit! Syempre, kailangang mag-tiyaga at pumila tulad ng iba. Pagkabili ko ng ticket, pagkita ko sa pila papasok sa platform ng tren, huwaw!!! Ang haba ng pila!!! Eh kasi naman pala, hindi sila nagpapapasok agad kung puno pa ng tao ang platform, tama nga naman hehe. Pagdating ko sa dulo ng pila, may namukhaan ako...si Gouki!!! Aba, nakakita pa ng Gabayano sa MRT, may OJT kasi siya sa iBank sa Magallanes, grabecious, ang layo nun hehehe. Ayun, nagkakuwentuhan sandali at sabay na kaming nakapasok sa platform. Pagdating sa platform, HUWAW!!! Ang daming tao!!! Walang hiya, nakaapak kami ng platform ng mga 7:10am, nakasakay kami almost 8am na hehehe. Take note, hindi kami naglakad papasok ng tren, tinulak na lang kami ng kusa hehehe, ayos sa sardinas.
Dumating ako sa opisina ng 8:20am, ang aga ko sa lagay na yun kasi sabi sa akin ng HR na si Lera, dumating na ako ng mga 9am. Syempre ang aga ko, pero si Lera, dumating 9am na hehe, pero hindi naman late yun hehe. So tinawag na niya ako para orientation at may hinihintay pa raw kaming isa, si Katrina! Siya yung nakasabay ko sa interview last week, astig, kasi kilala ko na siya at buti tinanggap din niya yung trabaho, at least may friend na agad ako sa work hehe. So simpleng orientation lang, company policies at guidelines tapos fill up lang ng forms para sa Pag-ibig fund, Tin number at ATM payroll account. Simple lang ng orientation, puro kwentuhan nga lang kami hehe, kasi kahit si Lera makwento, nakakatuwa kasi ang daling kausap hehe, eh alam mo naman ako, madaldal at mahirit hehehe. Pagkatapos, may tour kami around the office at pinakilala sa mga tagaroon, ayos, nakilala ko lahat pero wala kaong naalalang pangalan hehe, dami kasi nila hehe, pero astig kasi halos ka-age ko lang silang lahat. At ito pa pala, sa company, dalawa lang kaming Atenista, karamihan Lasallians, hehe. Kaya natuwa yung isang Atenista kasi may kakampi na raw siya hehehe, siya si sir Uri (prounounced as Yuri).
Inabutan kami ng lunch break, si Kat, may baon, ako wala pero sinamahan na niya ako bumili ng pagkain sa canteen at dalhin sa pantry sa opisina. So ayun, naglunch ako kasama si Kat, Lera, Cherry, Paula, Jana at Jay, pramis ang babait nila hehe, tapos ako shy lang ako sa kanila hehe.
Anyway, pagtapos ng lunch, ayan, simula na ng training. So ayun, tinawag kami ni sir Uri para i-orient kami sa training. So basically, ang una naming gagawin ay pag-aralan ang tig-dalawang inches na manuals ng C Programming Manual, C++ Programming Manual at yung manual ng sistema ng client nila (kung saan kami idedeploy eventually). Tapos, yung inaakala kong one month na training ko sa main office, naging less than 2 weeks! Hehe, kasi kailangan na raw nila ng dagdag tao tapos may training pa kami doon kaya by May 17, sa Orient Square building na ako papasok.
So yun lang talaga ginawa ko buong hapon, nagbasa ng mga 50 pages worth ng C programming manual at nagsubok ng mga sample programs. Sa mga gitna nun, minsan napapa-idlip ako o kaya nama'y nakikipagchat sandali sa YM para mangulit ng mga taong makulit sa YM hehe. Enjoy naman, may sariling work station na rin ako at computer, pero syempre temporary lang yun kasi lilipat pa ako sa Ortigas na office ng client ng company.
Busy ang mga tao sa Antico Manila Inc. pero masaya kasi parang kang nasa College lang ulit, puro ka-age ko kasi. Si sir Uri pa nga, biglang nag-message sa amin ni Kat ng around 4pm, sabi niya, "Hello my newly found friends! Gusto niyo mag halo halo?" Syempre ako, "sige ba!" Hehe, so sumama kami kina sir Uri at Jana at dalawa pang officemates para maghalohalo, kaso pagdating namin, wala ng halo halo, kaya nag-Zagu na lang kami sa Cherry Foodarama, astig, namiss ko na kasi ang Zagu, 2nd year college para yung huli kong inom nun hehehe. Natawa pa ako, kasi ng dumating ang 6:30pm, nasa office pa ako at napaisip kami ni Kat na hindi pala kami naka-log-in. So nag-message ako kay Lera ng HR. Ang message ko, "Ate Lera, paano yung log-in namin? Hindi kami naka-sign. (with belat smiley)". Then ang sagot niya, "anong ate? 22 lang ako noh! hehehe." Tapos pinuntahan niya kami at sinamahan mag-log-in. Sabi ko sa kanya, "uy, joke lang yung ate hehehe. 22 ka lang talaga? Kailan ka mag-23?" Ang sagot niya, "November." Tapos si Kat, "Ako rin! November!" Ako, naisip ko na lang, syet, matanda pa pala ako sa lagay na to... ako pa ang newly employed hehehe.
Anyway, ito, nasa bahay na ulit ako, sumabay na lang ako kay Tristan pauwi, may kotse kasi siyang dala. Naglakad ako mula Shaw hanggang Emerald avenue sa may Ortigas, malayo pero ayos lang hehehe. Nakakatuwa naman ang first day ko, na-feel ko kahit papaano ang welcome ng kumpanya sa akin kahit na super busy ng mga tao. Kahit si sir Kit, yung CEO, pumunta pa sa work stations namin para i-welcome kami sa company, ang bait hehe. Parang ngayon, ayaw ko nang ma-deploy sa Orient Square kasi parang okey na ako sa mga officemates ko sa main office, pero syempre, exciting pa rin pag lumipat, marami pa akong makikilalang iba't-ibang tao at officemates. Kahit na puro basa lang ginawa ko kanina tungkol sa C programming (parang review), ayosh pa rin kasi nag-enjoy naman ako sa araw na ito. Sulit.
:P

4 Comments:
wow naman may work na ang soul ko!
By yyelow_lemon, at 10:51 PM
uuuy katrina pala ah. hehehe =D
By chi, at 12:23 PM
yey! bum no more! congrats kuyaaaaa!!!!! haha. more mcjellies to coooome!;p
By Anonymous, at 2:57 PM
yehey! marami dito ang naghihintay ng ambon ng una mong sweldo! hahaha...
By randy, at 4:44 PM
Post a Comment
<< Home