Sunday, May 28, 2006

Grande Island, Subic

I just got back from Grande Island in Subic. Ito nga pala itsura ng lugar sa website nila:



Ganda noh? Ang lupit ng picture! Ang daming kulay! Tapos, ito yung picture nung dumating kami sa Subic nung umaga:



O ha? San ka pa? Ang lapit sa picture di ba? Haha! Yung nakikita mong tubig, yan ang swimming pool! Walang tubig! Walang hiya! Haha!:P

Anyway, kahapon, May 27, nag-outing ang Verifone company sa Subic, Grande Island. Well, kahit na Antico Manila Inc. ang company kung saan ako nagtatrabaho, since deployed ako sa Verifone, kasama kaming mga taga-Antico sa outing, hehehe, kasi pag hindi raw kami kasama, ang konti na lang nilang matitira hahaha! Anyway, it was a three hour trip going to Subic, then pagdating namin doon, bawal magdala ng pagkain! Kailangan iiwan sa may pier, leche sila hehehe. So ayun, yung mga may dala ng chips, iniwan nila sa pier yung baon nila, ako walang dala, tubig lang hehehe. So we rode the ferry going to Grande Island, saya naman, pumunta pa kaming deck hehehe. When we got to Subic after the 30 minute boat ride, nagulat kami! Ang pangit! Haha! Iisa lang nasa isip naming lahat, "Ito na yun?" Hahaha! Seryoso, kalokohan yung lugar. The grass areas were almost dead, the beach looks fake because of its being man-made, ang lalayo ng mga kainan at rooms where we stayed, at walang laman na tubig yung swimming pool na ang laki laki, wala namang laman! 2-3 days pa raw bago mapuno, leche... I was with Greg, Richelle and Katrina sa room, kami kasi yung mga baguhan hehehe. :P

So we got to our rooms and ayun, nagpahinga lang kami then nagbihis na para pumunta sa beach. So punta kami doon, swimming...swimming...swimming... wala naman kasing bang pwedeng gawin hehehe. I also rode the banana boat for the first time!!! I was with Karla, Jenie, Karl and Ryan sa banana boat, kaso wala akong picture, wala kasing kukuha hehehe. Astig pala yung banana boat, kaso hindi nahulog yung sa amin hehe. Anyway, we just swam for around 3 hours din. Naglaro pa kami ng Touch the Dragon's Tail sa beach! Haha! SQA team daw versus DEV team, haha! hindi natapos yung laro kasi napagod na kami, so naglaro na lang ng taya tayaan, ang kulit! Tapos ito, kulit ng hirit, nung napagod na maglaro, sumigaw si Ryan na officemate ko, "TOUCH THE COLOR... BLUE!!!" Eh yung officemates kong girls na may "hinaharap", naka blue na bathing suit tops! Haha! Grabecious, natawa na lang kami, hehe, nakakahiya pero syempre, katuwaan lang, hindi naman niya tinuloy eh hehehe. Salbaheng bata hehehe.:P

At around 5pm, umahon na kami sa beach, naligo at nagbihis na sa room for dinner and manonood kami ng cultural show hehe. Galing ng cultural show! Inalok pa kami turuan ng cultural dance, pero nagkunwari na lang kaming kumakain kami para hindi kami mahatak hehehe. Isa lang nahatak sa amin, si Karla na SQA din, nakakatawa, sabi pa niya, "Ayaw ko, nahihiya ako..." Tapos nung andun na, todo sayaw naman hehehe. Then after dinner, nanlibre si sir Oscar ng inuman, ang daming beer!!! Hindi naman ako naglasing pero as usual, namula ako ng todo. I just drank 2 cans of Red Horse Extra Strong and one shot of Tequila, shet mehn, sarap ng tequila, namiss ko yun sobra hehehe. Kasabayan ko uminom yung mga ibang SQA, sila Mike, Katrina, Karla, Jenie, Ryan at si Kuya Ricky din, ang aming astiging maintenance guy at front desk attendant sa morning hehehe. It was a drinking and videoke night, grabe, sharap ng ganung buhay hahaha! Libre pa! I didn't sing though hahaha! Kakahiya eh hehehehe.:P

We got back to our rooms at around 11pm na, medyo may tama na yung iba sa amin, ako hindi naman, namumula lang ako as usual hehehe, tisoy eh hehehe. So me, Greg, Richelle, Katrina, and Mike just stayed in our room and watched a Japanese movie sa Star Movies hehehe. Then, nakatulog na ako kasi hindi pa ako natutulog the night before (that's another story hehehe, inuman naman kasi yun sa Drews with Tristan, Mike Lim, Fael, Marian and Hannah, fun din yun hehehe). Sayang nga, nakatulog ako, marami pa raw happening nung gabi hehehe, yung mga typical, dramahan ng ibang girls dahil lasheng na sila, at yung isa, nawalan daw ng cellphone at naghanap pa ang marami para sa cell phone niya pero yun pala the whole time, nasa bulsa lang niya wehehehe, funny story lang, kaso tulog na ako nun hehehe. Sayang. hehehe. Well, the usual stuff happens ng mga ganun, biruan, kwentuhan at gaguhan hehehe. Simpleng kasiyahan lang kami.:P

Nung morning naman kanina, we just played billiards and then packed our bags. Syempre picture picture muna bago umalis, Verifone and Antico peeps are so camwhores! Haha! Pero astig, ang fun nila kasama sobra hehehe. Then pagdating sa bus, nagtanong yung organizer, "Ano? Kumpleto na ba tayo? Wala ng kulang? Sige, HINDI NA TAYO BABALIK DITO HA?!?" Tapos sigawan at palakpakan kaming lahat! Hahaha! Wala lang, ang mean pero disappointing talaga eh hehehe. But still, we had fun. Then back in Manila, nag late lunch lang kami sa McDo nila Mike, Nelda, Peter, Karla, Archie and Ryan hehehe. I got home at around 5pm, disappointed sa place, pero super satisfied sa katuwaan with my officemates.:P

Here are some pictures of my Subic trip:

(From top to bottom) Jeng, Archwin, Jenie, Karla, Archie, Ryan, Greg, and Richelle during the bus ride.
Katrina, Richelle, Van, Mike, Greg, Ryan, Archie, and Karla during the boat ride.

The DEV team plus Greg: Nelda, Jeng, Peter, Gene, Darwin, Camille, Jo, and Ruby
Greg, Richelle, Katrina, Karla and Me (ako lang nakatingin kasi may isa pang kumukuha hehe)
Ang mga madalas kong kasama na SQA hehehe. (Greg, Richelle, Katrina, Mike, and Ryan)
Ang dalawang girls na nambu-bully sa akin sa opisina... hehe joke! (Jenie and Karla with Karl)
Mga walang magawa kaya nagpicturan na lang, hehe (Greg, Mike, Richelle, Jenie, Katrina, Ryan, and me)
Likod ng mga rooms, sarap tambayan hehehe.
Cultural Dance performance
Katrina and a lobster red me hehe
Karla and the gwapong tisoy wehehehe
Lobby area
Me and the camwhores of Verifone and Antico hehehe
The room 8823 team! Haha! Greg, Katrina, Richelle, and me! (sa boat yan hehe)

Ang huling hirit ng World Champion of the World! Haha!

Actually, maraming pictures talaga yan, pinili ko lang kasi nakakatamad mag-upload ng maraming pictures hehehe. At kung napansin niyo, wala masyadong pictures ng beach at ng lugar mismo, isa lang dahilan, ang pangit kasi hehehe, joke, hindi lang talaga interesting kasi kuhanan ng picture and I just chose the pictures that looked real lively naman, lalo na yung mga pictures na andun ako hahaha joke! The trip was great naman in fairness, lots of fun moments and ang saya rin kasama ang mga Verifone/Antico people. Isa lang masasabi ko sa outing...BULOK ang Grande Island, pero ASTEEG ang mga tao ng Verifone at Antico. Total coolness sa kulitan. :P

4 Comments:

  • haha! i've been here! two summers ago. bago pa ito noon, so medyo ok pa. green pa ang grass at may tubig pa naman ang pool :-P

    By Blogger chi, at 10:56 AM  

  • haha! buti ka pa chi, na-experience mong maganda ang subic hehehe. Actually, sabi ng ate ko nagpunta na raw kami noon dun, bago pa nga raw yung grande island noon, kaso hindi ko na maalala hehehe. pero nung time na yun, maganda pa nga raw hehehe. :P

    By Blogger pittasteeg, at 11:47 AM  

  • hehehe di talaga kami nagstay dun, parang daytrip lang. pero naalala ko na maganda. =D

    By Blogger chi, at 1:59 PM  

  • haha nakakatawa yng pinag-compare yng pics from their site and yng real thing. hahah rip off yng ganun. hassle! buti u had great company :)

    By Anonymous Anonymous, at 6:03 PM  

Post a Comment

<< Home