Tuesday, February 28, 2006

Field Trip to Toshiba in Technopark, Laguna


In the lecture hall of Toshiba.

Me and Guiller wearing our borrowed Toshiba caps.

Hairnet over my head.

The ECE group in our "Schmuck" suits with Mr. Fumi Takahashi and staff. :P

One more Toshiba picture before leaving the plant. Next stop...Coca-Cola plant! Kaso wala kaming pictures dun eh hehehehe. :P

Ang fun lang ng field trips. :)

Monday, February 20, 2006

Mga Pangyayari sa Isang Araw ng Buhay Ko

Chapter 1: Sa Umaga

Paggising ko nang 9am nang umaga, dali-dali akong naligo, kumain ng agahan, at nagbihis para pumasok sa Ateneo dahil may meeting ako ng 11am para sa TCOM152 reporting namin. Gusto ko pa sana manood ng All-Star game ng NBA kaso hindi pwede, kailangan ng pumunta ng eskwelahan. Pagdating ng Ateneo, dumiretso ako sa thesis lab para kunin ang digicam ko para makunan ng litrato ang RMT para sa reporting. Pagdating ko ng RMT, nagkuha ako ng ilang litrato. Naroon din ang mga Blue Rep peeps kaya nung nakita nilang nagkukuha ako ng litrato, sinabayan nila ng ngiti ang pagkuha ko kahit hindi naman talaga sila ang kinukunan ko hehehe, pero oks lang, hindi ko na sila pinansin hehe (suplado ako eh, bakit ba???). Bumalik ako ng lab para i-cram ang reporting.

Chapter 2: Lunch Time
Syempre dapat may usapang lunch at pagkain hehehe. Ayun, nagutom ako at bumili ng pagkain sa caf. Nakita ko yung Eyrie at nag-order ako ng Mongolian Rice na P55. Nang ibinigay sa akin, ANAK NG TIPAKLONG! ANG DAMI!!! Grabe, ga-bundok talaga ang dami ng kanin, pakiramdam ko magkakasala ako sa aking katawan dahil tataba nanaman ako sa dami ng kanin na kakainin ko. Sinubukan ko talagang ubusin (tinulungan pa ako ni Guiller), at naubos ko naman, kaso halos masuka-suka na ako sa dami ng kinain kong kanin, nasuya lang talaga ako...bleeechhhh....buti na lang may C2 ako kaya masarap naman inumin ko kahit pekeng iced tea lang iyon na puro asukal hehehe.

Chapter 3: Ang Reporting

May reporting ako, Guiller, Jed, Jerry, at sa TCOM152 tungkol sa acoustics ng Rizal Mini Theater. Dahil sa una kong kwento, obvious na crammed ang aming reporting hehe. Kaya ayun, minamadali namin ang paggawa ng powerpoint presentation dahil 2:30 ang aming reporting. Dumating ang 2:30 at nagsimula na kaming mag-ayos para sa aming presentation. Dahil sa crammed ang aming report, medyo may halong pambobola na ang ibang parte ng presentation, at syempre, wala rin kaming praktis talaga sa flow ng aming presentation kaya in short, bara-bara hehehe. Pero pagkatapos ng aming report, alam niyo kung ano resulta mula sa aming prof? "VERY GOOD" Haha! Wala lang, nakakatawa dahil sa simpleng sikap at pag-cram ng presentation, nagawa pa naming makakuha ng "very good" mula sa aming prof. Hehe. Kahit papaano, kahit crammed, pinaghirapan pa rin naman iyon. (AYOSH!)

Habang may reporting kami tungkol sa RMT, napagmunihan ko lang ang panahon na nag-teatro ako sa Tanghalang Ateneo. Kahit papaano, namimiss ko na ang teatro at napapag-isipan ko kung bakit ko rin hinayaang umalis ako sa teatro. Alam kong minsan lumalabas sa akin na galit ako sa teatrong iyon, pero ewan, naiiinis ako sa mga maling dahilan, unfair naman di ba? Nakakamiss pero wala naman akong pagsisisi, dahil kung hindi ako umalis sa teatro, malamang hindi ako gaanong nakakasali sa Gabay, na para sa akin ay mas napahalagahan ko ang organisasyon at mas minahal ko kaysa teatro. :)

Pagkatapos ng reporting, tumambay muna ako sa may pagitan ng Faura at Dela Costa. Pagdating ko dun, biglang may nagtanong sa akin, "Kuya, ano ang Kupal?" Anak ng...hindi ko alam isasagot ko...obviously, babae ang nagtanong dahil kung lalake yun, ewan ko na lang kung hindi pa alam ng isang lalake kung ano iyon hehe. Hindi ko na lang talaga sinagot ang tanong, nakakahiya eh hehehe. Ang sinabi ko na lang, "It's a guy thing, wag mo ng alamin" hehehehe. Safe answer lang hehehe. :P

Chapter 4: Field Trip ko sa Megamall

Nang pumatak ng alas-sais ng gabi, kinailangan ko ng umalis ng eskwelahan para pumunta ng Megamall para bumili ng connectors sa Alexan para sa aming thesis. Hindi rin naman talaga ako naghangad na magsama pa ng kasama sa aking paglalakbay papunta sa Megamall kasi minsan, para sa akin, masarap din mamasyal mag-isa dahil marami akong napagmumunihan at pinapansin sa paligid hehehe. Bago ako lumabas ng Ateneo, habang naglalakad papuntang LRT, nakasalubong ko si Mark Wong (ECE dude). Dahil sa may banda Recto siya umuuwi, sabay na kaming naglakad papuntang LRT. Ayun, kwentuhan tungkol sa MP4 business niya. Kahit na may mga napansin akong mali sa kanyang mga teorya sa kanyang business, marami rin akong natutunan tungkol sa kung paano niya pinalalakad ang kanyang sinimulang business sa pagbebenta ng MP4. Kahit papaano, bilib din ako sa mga taong maaga pa lang, iniisip na nila agad ang pagiging businessman at pagkita ng pera.

Chapter 5: Sa Alexan

Nakarating ako ng Megamall pagkatapos ng mga halos 40 minutes. Mabilis naman kasi hindi naman gaanong karami ang sumasakay ng MRT at LRT. Pagdating ko ng Alexan, bumili ako ng mga connectors, ang mahal!!! Umabot siguro ako ng mga halos P300 para lang sa mga wires na pinagbibili ko, hehe, pero oks lang, kailangan talagang gumastos para sa thesis hehehe. Pero bad trip, hindi kumpleto nabili ko dahil wala raw sila nung 2-pin connectors (anak ng...) kaya nakakainis kasi ang layo na nga ng biyahe, hindi ko pa nabili lahat...kainis...

Chapter 6: Shopping nanaman ng CD

Pagkatapos ko mamili sa Alexan, dumiretso agad ako sa Music One sa building A ng Megamall. Wala lang, naisip ko lang na tumingin ng mga CD at pairalin nanaman ang pagiging gastador ko hehe. Habang nag-iikot, naalala kong gusto kong bumili ng Brownman Revival. Nakita ko na kaso napaisip pa ako, tapos nakita ko rin yung Orange and Lemons, gusto ko rin bilin, kaso nagdadalawang isip ulit ako... Nag-ikot pa ulit ako...habang naglalakad sa may OPM section, nakita ko ang isang CD na matagal ko ng hinahanap sa kung saan-saang mga Tower Records, Odyssey, Radio City at iba pang CD stores...CD ni Mishka Adams!!! Yung God Bless the Child CD!!! Sa wakas nagkaroon din dahil lagi na lang out-of-stock!!! (Hindi ko alam kung mabenta lang talaga o tamad lang si Mishka Adamas na magp-produce ng mga CD niya hehehe). Tapos yung special edition pa na may bonus vcd, at nag-iisa na lang! (PANALO!) Agad-agad kong kinuha bago pa ako maubusan. Dali dali ko itong dinala sa counter para mabayaran na at kasama nito ay ang CDs din ng Brownman Revival at Orange and Lemons, haha! (tripleng panalo!!! haha! di ko talaga matiis eh, magastos na kung sa magastos, yan lang naman ang luho ko sa buhay eh hehehehe)

Chapter 7: Ang Pauwi

Umalis ako ng Megamall ng mga alas-otso na nang gabi. Nang dumating ako sa may Cubao station ng MRT, may nakita akong tindahan, ang pangalan nito "Meet & Shop". Hehe, wala lang, natawa ako nung nakita ko kasi naalala ko yung Meatshop sa may Katipunan, napaisip lang ako kung ginaya lang ba nung tindahan yung lugar ng inuman sa Katipunan kung saan nagkaroon na ng barilan at saksakan wehehehe. Pagtawid ko naman ng Gateway papuntang LRT, may nakilala akong mukha mula sa malayo...si MADZ!!! (ECE dudette hehe). Ayun, nakasalubong ko, galing daw siyang Laguna at pauwi na sa dorm niya sa Katipunan. Kaya hinintay na rin niya akong bumili ng ticket at sabay na kaming sumakay ng tren. Tinulungan ko na rin siyang magbuhat ng laptop niya kasi naman sa mata pa lang, kita mo ng sobrang pagod na sa puyat, kawawa naman, gentleman lang din ako hehe. Habang nasa tren, iniisip ko kung saan ako bababa, kung sa Santolan o sa Katipunan, pero naisip ko sa Katipunan na lang para matulungan ko na rin si Madz sa pagdala ng gamit hanggang sakayan ng trike at tutal, iniisip kong mas madali sumakay sa may Aurora papuntang Sta Lucia. Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa thesis habang nasa tren. Pati tungkol sa "pinakamamahal" naming adviser sa robotics napag-usapan din hehe. Pagdating sa Katipunan, hinatid ko lang siya sa trike at diretsong sumakay na ako ng jeep para umuwi. Nang dumating ang jeep sa may Santolan LRT, naisip ko, "Buti na lang sa Katipunan na ako sumakay", dahil sobrang daming tao sa may LRT station kaya medyo punuan ang mga jeep. Habang pauwi rin, napansin ko, may isang tibo sa tapat ko na may katabing babaeng estudyante. Nang bumaba yung estudyante sa may Ligaya, nakita ko ang mga mata nung tibo, aba...ang lagkit ng tingin dun sa bumababang estudyante! Haha! Gusto kong matawa pero pinigilan ko na lang hehehe.

Chapter 8: Pagdating ng Bahay

Nakauwi ako ng mga 9pm na. Pumasok ng bahay at hindi na kumain ng dinner, kaya ayan, nagugutom tuloy ako ngayon hehehe. Kakain na lang ako ng saging mamaya hehehe.

Dapat nag-aaral ako ng CISCO Module 11 ngayon kasi may exam ako bukas, pero dahil nais ko talagang magkwento ng tungkol sa araw ko ngayon, ayan, mahaba ang entry ko ngayon sa blog hehehe. Next time ulit. Malapit na rin pala deadline ng aming thesis kaya malamang kayod na ito talaga sa trabaho, hay...sana maglakad na si BrUno, gusto ko nang makita ang "first step" ng inaanak namin. :P

Saturday, February 18, 2006

Congrats Gaband! Thanks Gabay!

SOA just recently hosted their concert for the SOA orgs. Gabay of course had their entry for the said event, the band was called Gaband and it consisted of really skilled and handsome members of Gabay hehehe. Anyway, the event gave the audience the chance to vote for their favorite band by buying "point tickets" and texting their favorite band plus the code inside the bought point ticket. And do you know who won?

SYEMPRE GABAND!!!! WITH 436 VOTES!!! WOOHOO!!!

Haha! Well, it was a sure win anyway hehehehe (feeling ba?), hehe joke lang. I would just like to greatly extend my greatest of thanks to all Gabayanos who supported Gaband that night. Ang sobrang touching for the band to know how the Gabayanos really supported the band and let us win the Best Band award for the SOAr Concert.

So to all the Gabayanos who supported Gaband:

THANK YOU! THANK YOU! THANK YOU!

We are really proud of you guys and for being part of such a wonderful organization. Please do continue supporting us on our upcoming gigs (kapag meron na hehehe).

Thursday, February 16, 2006

BrUno's Testing Place


BrUno the Bipedal Robot's Ultimate Throne!!! hehe, this is actually the table where all the testing for BrUno are done. Wala lang, gusto ko lang ipakita kahit magulo, hehehe. :P

Wednesday, February 15, 2006

SHET! PANALO KA!!! HAHA!


Myko, Randy, Tehani, Marvin, Ekai, and I tripping in KFC after the Gabay sportsfest!

Haha! I just love this picture! I got it from Tehani's tabulas site. Kung nakapost ito sa blog ni Randy at sa tabulas ni Tehani, syempre dapat ako meron din! Haha!

Pagkatapos ng usapang "ex's", usapang tuli, usapang "test tube", usapang french kiss, usapang "boy dakma", at pagso-solo sa pangalawang palapag ng KFC sa Blue Wave Marquinton, ayan... napag-tripan ang pangalan ng isang nagngangalang Seth na may birthday nung araw na iyon o nung lumipas na araw hehehe.

To Seth(even if I don't know who you really are; you're probably a kid):
Sorry if we made fun of your name, at least my friends and I had a good laugh hehe. Belated happy birthday na lang. Peace! :)

*Ekai was the one taking the picture kaya hindi siya kita hehe.

Tuesday, February 14, 2006

Valentine's Day

After four years in a relationship, this was the first time for me to spend Valentine's Day by myself. For me, the day passed as if it was just any other day. For the past years, February 14 had always been my special day to make my loved one feel unique, as if she was the only one in the world I would offer my life to, I would greet her as if there was no tomorrow and I would buy her flowers to make her feel special and feel like she was someone way above everybody else. But now, as I saw couples hold hands, girls in school holding bouquets, and guys going out of their way to impress their crushes, I just felt envious of them, I wanted that old feeling back, a feeling that tingles inside, a feeling that would lead to you to get excited because this was the day you would give all your best efforts to show how much you love your partner. It could be an expression that you could give any other day, but for Valentine's, you would want it to be special...I would have wanted it to be special.

So what did I do on Valentine's Day? Practically the things that I would do on any normal day. I ate breakfast in the morning, went to school to take the CISCO exam, went to our thesis laboratory, and attended my CS175 class for the Macromedia Flash lesson and for the quiz. After that, I just went back to the thesis laboratory, checked my e-mail, and planned for our scheduled group project for tomorrow. I also went to Mateo Ricci to hang out and jam with some Gabayanos. By 7pm, I already left school and went to the mall to buy a black ink cartridge for the thesis lab's printer. When I got home, I didn't even eat dinner (so I'm kind of feeling hungry right now...). I just watched the 40 Year Old Virgin DVD to kill time. Well, in fairness, it was a really funny movie and it made me smile and laugh a lot, hehe. After then, I find myself here blogging and ranting about my not-so-special day.

So what now? A question somehow bothers me...

"What kind of love do I deserve?"

I don't want to rant about my past relationship nor do I want to look back at the past. I should be looking forward; however, to be honest, I just couldn't. Maybe, this is the reason why I have been feeling lost. More than 5 months has passed and for each day that passes, I just get more and more confused about everything. I want to go back to the time when I knew that there was someone special out there who would show me that she loves me as I am. I want to go back to the time when I would really go out of my way to show that I love her and that she is everything to me. I want that feeling back in me, I want that special someone to share my life with...But I guess I just can't have it now. In all honesty, I really do miss her, but I guess, it wasn't for us.

However, I am still an optimistic person and I always look at the bright side of things. So, for the sake of Valentine's Day, I just want to congratulate the present couples who I know (at least one person in the pair) and who love each other very much. Happy Valentine's Day to all of you!

I will be waiting for my moment. I will be waiting for the time when I will find the love I deserve, but for the record, I believe that only I have the right to know the love that I truly deserve. I will get to enjoy the special Hearts Day once again, someday.

Monday, February 13, 2006

Nakaw lang nang nakaw ng survey para masaya! haha!

10 Firsts
first best friend: si guiller! since grade 3 pa! (ang tagal na! hehe)
first screen name: gagaya na lang din ako kay chi, first mIRC screen name ko, "OuRLaDyPC" coz that time I was always listening to Our Lady Peace's album Clumsy, hehehehe. I got addicted listening to that cd hehe.
first pet name: teddy bear? haha! ang dami na kasing na-generate na pet name eh hehehe. (shucks, i can't even remember...what's wrong with me???)
first piercing: sa ilong! dalawa butas ng ilong ko, hindi ba pierced yun?
first crush: secret!!! hehe, jk! Hmmm...as far as I can remember, her name was Maria Cecilia (yata). She was my crush when I was in kindergarten. My brothers and sisters kept on teasing me about my crush and I cried a lot kasi ang mean nila sa akin hehehe.
first CD: I think it was Oasis' What's the Story Morning Glory album.
first school: Mountain View Children's School (kindergarten)
first house location: Marikina, I never moved to any other place.
first kiss: si Unna, after a month nung naging kami haha! Slow nga raw ako eh...hehehe.
first car: I remember my dad owning a blue toyota corolla (box type) before, but I don't think that was his first car.

9 Lasts
last time you smoked: as in serious smoke? Second year high school hehehe. (super sandali lang yun, nag-try lang hehe)
last food you ate: Korean pork chop with rice and atchara sa Chiggy's!!! SARRRAAAPPP!!!!
last car ride: Just this noon when my dad brought me to school.
last movie you watched: Aeon Flux! downloaded lang sa torrent hehehehe.
last phone call: Shucks, can't remember... kung phone call sa akin, si Guiller just before our ABL game kasi sasabay siya sa akin papuntang Meralco gym. Kung phone call ko to another person, si Cha ata on the night of her birthday, I just greeted her hehehe.
last CD you listened to: Fall Out Boy's From Under the Cork Tree album! CoOlnEsS!!!
last bubble bath you took: nung naghugas ako ng pinggan, daming bubbles eh hehehehe joke, I don't use our bath tub in our house anymore, and I don't remember me using that tub for a bubble bath ever in my life hehehe.
last song you listened to: Narda by Kamikazee
last words you said: When I got home, I told our maid, "Kumunat na yung popcorn na hindi ko naubos." hehehe.

8 Have-You-Evers
dated a best friend: yup!
been arrested: nope!
been on TV: YUP! Sa Lunch Date noong grade 2 pa ako! hahaha! Lunch Date held their show that time in the Ateneo Grade School fair and I volunteered to be an epal in their joke time segments near the end of the show.
eaten sushi: yup! super favorite food ko hehehe.
cheated on your BF/GF: never
been on a blind date: never din hehehe. i know it's exciting pero parang maiiilang lang ako sa ka-date ko pag hindi ko talaga kilala hehehe.
been out of the country: yup! several times, the last time was last October. I went to New Jersey, US for my brother's wedding. :)
been in love: of course.

7 Things You Are Wearing
1. sando
2. shorts
3. underwear
4. slippers
5. ...
6. ...
7. ...
*Naka pambahay ako eh!!! mahirap paabutin ng seven!!! ano gusto mo, mag-medyas pa ako at mag-jacket kahit nasa bahay lang ako???

6 Things You've Done Today
1. ate brunch
2. soldered our thesis Bruno Servo Driver Ver 3 circuit
3. cut my 430 class
4. tambay at makipagkulitan sa mga Gabayanos
5. ate at Chiggy's with Guiller
6. blog

5 Favorite Things
1. my brother's black Les Paul Epiphone electric guitar
2. my personal computer
3. my playstation 2
4. my acoustic guitar (kaso sira, aayusin ko pa)
5. my soft pillow...

4 People You Trust The Most
1. Guiller (long time bestfriend eh, syempre dapat mapagkakatiwalaan)
2. AJ Oviedo (thesis mate and great friend to share stories and secrets with hehe)
3. Bel (another great friend and thesis mate whom I am comfortable sharing my stories with)
4. Cha (recently lang kasi medyo marami akong nakukuwento sa kanya na hindi ko usually nakukuwento sa iba)

3 Things You Want To Do Before You Die
1. become a rich rockstar!
2. travel around the world!
3. get married and have children :)

2 Choices
vanilla or chocolate: vanilla
hugs or kisses: hugs

1 Person You Want To See Right Now
Can't think of one right now...

Sunday, February 12, 2006

2 missed shots + 2 rebounds + wood burn = bad game

We lost again!!! Waaah! Oh well, what's new? Hehe, ABL game namin kanina sa Meralco gym and we were against the strongest team in our division. Lucky enough, their star player did not play, but the rest of their team members were also skilled. Okey na sana eh, lalo na sa first half, kaso pagdating ng second half, sablay na hehehe. So basically, aside sa minalas na kami, we also missed a lot shots that could've given us the lead, pero ganun talaga, kailangan may isang matalo sa laro hehehe. So stats ko, 0/2 field goals, 2 rebounds, and a wood burn on my left knee for diving on the floor hehe.

Ano pa ba... LFN last night!!! Super saya! Haha! Congratulations to the new Gabay EXECOM, kahit na hindi ko na sila maabutan next year, I'm sure they'll do great as leaders of the astig organization. :)

Hay, wala na akong makwento, I already feel sick coz I've been sleeping late for the past 3 days, Thursday, thesis, Friday, Guiller's bday, and Saturday, LFN. Pero syempre, kahit bangag, wala akong sinisisi, syempre natuwa naman ako sa mga ginawa ko hehehe. Last LFN ko na last night, nakakalungkot isipin na patapos na yung taon, tapos hindi naman ako masyadong nakatulong sa Gabay sa buong taon na lumipas. Alam ko pag-alis ko ng ateneo, sobrang mamimiss ko ang Gabay at ang mga taong bumubuo ng organisasyon. Kahit na feeling ko BI ako sa mga ibang kakulitan ko dahil sa mga kalokohan ko, hehehe, sa isang organisasyon lang sa Ateneo ang talagang napamahal na ako at pakiramdam ko, babalik balikan ko ang Gabay kahit na anong mangyari.

Inaantok na ako kaya matutulog na lang ako hehehe. :D

Friday, February 10, 2006

Nakaw na survey muli... hehehe.

Q1) Sleep with or without clothes on? -- of course with clothes! maraming malalamigang parte ng katawan kapag walang suot hehehe especially the sensitive ones...like my feet. :D
Q2) Prefer black or blue pens? -- black pens, blue pens are also fine hehe.
Q3) Dress up on Halloween? -- nope! sleep on halloween na lang hehehe.
Q4) Like to travel? -- yup! But i don't get to travel that often.
Q5) Like Someone? -- i like numerous persons, pero walang super serious na "like-like" ko talaga coz i enjoy the company of my good friends. enjoy the single life muna with my friends. :D
Q6) Do they know? -- nope!
Q7) Who sleeps with you every night? -- my pillows hehehe.
Q8) Think you're attractive? -- oo naman! i'm vain and friggin' hot! haha jk! I'm a humble person, so I would rather not comment on the question hehehehe.
Q9) Want to get married? -- yup! pero di ko pa sure kung kailan, wag lang muna ngayon hehehe.
Q10) To who? -- ummmm...............this is one very difficult question....
Q11) Are you a good student? -- of course i'm a good student! but i'm not a diligent one, I'm a major crammer!!!
Q12) Are you currently happy? -- hmmm....another difficult question, as of the moment, yes kasi gumagana na yung circuit namin hehe. pero in overall, i don't think so, daming iniisip eh.
Q13) Have you ever cheated on a test? -- mga simpleng pasilip silip lang sa one or two answers ng katabi ko haha!
Q14) Birthplace? -- Makati City
Q15) Christmas or Halloween? -- Christmas!
Q16) Colored or black-and-white photo? -- I really appreciate black and white pictures depending on the subject.
Q17) Do long distance relationships work? -- if there's a will, there's a way.
Q18) Do you believe in God? -- of course.
Q19) Do you believe in love? -- yup yup!
Q21) Do you drink? -- hehehe, yes, a lot of water hehehe.
Q22) Do you make fun of people? -- yes, but i know my limits.
Q23) Do you think dreams eventually come true? -- yes, i do believe that dreams can come true if you really work for it.
Q24) Favorite fictional character? -- Golden Boy!!!
Q25) Go to the movies or rent? -- movies!
Q26) Have you ever moved? -- never...
Q28) How's the weather right now? -- windy
Q29) Last time you cut your hair? -- 6 months ago? hehehe, can't remember.
Q30) Last person you talked to on the phone? -- sa cellphone, si dessa kasi tinatanong niya kung anong kape bibilin niya sa supermarket hehehe, sa landline, si cha nung tuesday ata hehehe.
Q32) Loud or soft music? -- LOUD!!! RAK ON!!!
Q33) Mcdonalds or Burger King? -- Burger King!!! I miss the Double Whopper!!!
Q34) Night or day? -- Day, takot ako sa mumu eh hehehe.
Q35) Number of pillows? -- 4 big ones, and 2 small ones hehehehe.
Q36) Piano or guitar? -- GUITAR!!! RAK ON!!!
Q37) Future job? -- househusband :D
Q38) Current job? -- exhausted student
Q39) Current thought? -- i want to sleep...
Q40) Current longing? -- donuts! i want donuts! hehehe.
Q41) Current disappointment? -- um...a big disappointment, pero hindi ko na ikukuwento.
Q42) Current annoyance? -- ayaw ko sabihin, pero meron.
Q43) Last thing you ate? -- inihaw from Manang's!!!
Q45) Most recent thing you are looking foward to? -- sleep...zzzz.....
Q46) What are you wearing right now? -- black shirt, jeans, chucks.
Q47) plans for the weekend? -- dami!!! IBM and Fujitsu tests, Gabay LFN!
Q48) What did you do today? -- Went home ng 7am, slept for 30 minutes, went to school by 10am, toga fitting (P400! mahal!!!), ate sa manang's with guiller and ate kams, changed our thesis circuit's resistors, and now...blogging hehehehe.

tapos na po... :D

Saturday, February 04, 2006

5-Year Survey (Ninakaw ko sa blog ni Chi hehehe)

it's the 5-year survey..

5 years ago (February 2001)...
How old were you? --- seventeen
What grade were you in? --- fourth year HS
Where did you go to school? --- Ateneo de Manila High School
Where did you live? --- Marikina City
Where did you hang out 5 years ago? -- Kung saan saan, I just had a girlfriend that time (January 1, 2001).
How was your hair style? ----- Medyo spikey yung hair ko pero humaba na that time ata hehe
Did you wear braces? --- it was removed in 2000 hehehe.
Did you wear glasses? --- nope, never worn glasses in my life
Who was your best friend? --- si Guiller, although I often hang out with the gboys din.
Who was your girlfriend/boyfriend? --- Unna Fernando (1 month pa lang kami noon eh hehe)
Who was your celebrity crush? --- can't remember eh, depends sa movies and shows na lumabas that time hehe
Who was your regular-person crush? --- hmmm....can't remember din...
How many piercings did you have? --- 10! joke, none, although I once thought of piercing my left or right ear kaso naisip ko, magmumukha lang akong bading siguro hehehe.
How many tattoos did you have? --- none!
what was your favorite band? --- that time...I guess it was Rage Against the Machine and Parokya ni Edgar
What was your biggest fear? --- not passing the ACET exam! ayaw ko talaga noon na hindi ako pumasa, parang super ikahihiya ko sarili ko kapag hindi ako pumasa hehe.
Had you smoked a cigarette yet? --- yep, pero I never made it a habit, nag-try lang ako since 2nd year pa.
Had you gotten drunk or high yet? --- nope and nope.
Had you driven yet? --- yup! but i wasn't allowed to drive on my own.
Which of your pets were still alive? --- si Rabby the Rabbit and si Connie Kuneho! (aww...I miss my rabbits...)

Present Day (February 2006)...
How old are you? --- twenty two and still counting...
What grade are you in? --- fifth year College and still counting...
What school do you attend? --- Ateneo de Manila University
Where do you live? --- Marikina City pa rin
Where do you hang out now? --- Our wonderful robotics laboratory na mukhang bodega hehehe. and syempre sa house pa rin, school-bahay lang ako madalas recently.
How is your hair style now? --- long hair, my ears are already hidden and madalas sabog hehehe.
Do you wear braces? --- nope
Do you wear glasses? --- nope pa rin.
Who is your best friend/s? --- gboys, thesis mates (kasama si guiller sa group), unna (although I haven't had a chance to talk to her for quite some time now)
Who is your girlfriend/boyfriend? --- none. 5 months ng single and still counting...
Who is your celebrity crush? --- puro foreign nga lang hehehe: Maria Sharapova, Kate Beckinsale, Jeon-Ji Hyun! hahaha!
Who is your regular-person crush? --- ayaw ko na lang magsabi, maraming hihirit na kilala ko tungkol dito eh hehehe.
How many piercings do you have? --- none pa rin! hehe
How many tattoos do you have? --- one! si pikachu sa chest ko! haha joke! wala pa rin.
What is your favorite band? --- dami eh, pero I really love Dishwalla. Recently, I listen to Fall Out Boy, Kamikazee, Itchyworms, Eraserheads (ulit! dahil sa Ultraelectromagnetic Jam), Dicta License, um...dami pa eh hehehe...
What is your biggest fear? --- getting my life more screwed up than now.
Have you smoked a cigarette yet? --- none na, pero minsan, gusto ko maging pasaway kaya naiiisip kong mag-smoke, although, eventually, hindi na lang, inom na lang, mas masaya pa hehehe.
Have you gotten drunk or high yet? --- drunk, yes, and i'm not proud of it, lost my control eh.
Have you driven yet? --- yep, almost every week. and pwede na akong mag-isa hehehe, although wala pa rin tiwala dad ko sa pagdadala ng kotse (what's new?)
Which of your pets are still alive? --- my two lovable and devilish dogs! Kitty and Jimbo! (kaso galit si Chi kay Kitty eh hehehehe.)

Ayan, tapos na, grabe, wala lang akong magawa and a lot of things are rushing through my mind right now. Halo halo ang nararamdaman ko, naiiinis, frustrated, pagod, tinatamad, inaantok, gustong lumabas at gumimik, lost kung ano ang gustong gawin, hmm...pretty screwed up i guess. hehehe. We lost sa ABL game ulit kanina, 30 points ata ang lamang sa amin ng kalaban. Stats ko, 1/3 sa field goals (yey! i got 2 points), 0/1 sa three point attempts (sayang nga eh, diretso eh, kapos nga lang), and a couple of rebounds yata, hehe, di ko na maalala eh hehe. We did our best, but I guess our best wasn't good enough...(hehe). Babawi kami next game.:P

Thursday, February 02, 2006

Something to think about...

"It's the thing on the floor amidst its deep dysfunctionality that holds you in free captivity..."


It just feels so deep to read such a statement... Any opinions?

Wednesday, February 01, 2006

Shucks, I can totally relate...


Sometimes, I just wonder how geeky I can be to know this kind of stuff or for the fact that I am in a science course and I do C programming, a language most people do not understand. Bakit? It's the same as being in a management course naman ah, kung mag-usap sila about accounting terms, hindi ba geeky din yun kasi hindi naman lahat nakakaintindi nun? Hehehe, defensive lang siguro ako hehehehe. Being a geek is cool, I know stuff others do not completely understand, I am powerful, haha! I am a geek, I am a nerd, and I am cool. :)