Monday, April 10, 2006

Pagkain Galore!

Kagabi... ang sarap...

busog...

3 days ago, naka-receive ako ng text message mula sa isang taong mag-iisang taon na ang blog entry na "Goofy Goober". Napaisip pa ako, baka nagyayaya ng gimik ito, kaso nang nabasa ko ang message, imbitado raw ako sa debut ng kapatid niya.

Huwat? Debut? Eh hindi ko nga kilala yung debutante eh...

Yan ang mga pumasok sa isip ko nang binasa ko yung message, so naitanong ko rin kung bakit ako pupunta eh hindi ko naman kilala yung debutante. Ang reply, marami raw kasing hindi pupunta kaya sabi ng mom ng kaibigan ko, magyaya raw ng mga kaibigan.

Ayun, pampuno pala kami ng lugar...

Ayos lang, libreng pagkain din yun hehehe...

Syempre debut, formal, kaya napilitan akong magmukhang tao hehe. Kasama ko sila Tristan, Avs at Ontoy na mga sabik din sa libreng pagkain, syempre catered yun, BUFFET! Dumating ako doon sa Fernwood Gardens, mukhang tao, disente ang itsura at walang kaalam alam kung sino ang debutante, kahit regalo wala akong dala hehe. Pero nang ipakilala na ang debutante sa lahat, ayan, kilala ko na kung sino siya hehe.

Nang dumating ang panahon ng kainan, may protocol sila na bago ka kumain, kailangang magpapicture muna ang table niyo kasama ang debutante. Syempre, kaming mga hayok sa pagkain, kahit di naman close sa debutante, ayun, smile nang smile habang kinukunan ng litrato. Ang saya, mukhang tao na, nakapagpapicture pa, at makakakain na, sa wakas hehe. Masarap ang pagkain, may chicken, spaghetti, beef, blue marlin, at tempura, walang hiyang tempura.

Ang tempura ang masarap pero kailangang ipaglaban pa, hehehe. Usually kasi ang binibigay dalawang piraso lang ng tempura bawat tao, syempre ako, hindi kuntento sa dalawa, kaya humingi pa ako ng dalawa pa sa waitress. Ang tanong niya sa akin, "bakit sir? ilang po ba kakain?" Anak ng, para sa dalawang tempura, kinailangan ko pang magsinungaling kaya ang sabi ko, "ah, may kasama pa kasi ako sa table, nagpapakuha sa akin." Ayun, nakuha ko ang extra tempura ko pero kinailangan ko pang magkasala ng pagsisinungaling, ayos, busog pa rin hehehe.

Natapos ang debut mga 11pm na, kinailangan na rin namin umuwi kasi baka malagot si Avs sa kanyang tatay, cinderella time kasi. Sana naging masaya ang debutante at sana naging unforgettable experience ang kanyang birthday. Pero isa lang masasabi ko, kami masaya nang gabing iyon, busog at lunod sa tempura at desserts (may chocolate fountain din nun! sarrrap!). Puno ang mga tiyan ng mga naatasang maging pampuno ng isang party, hehe, astig. :P

Thursday, April 06, 2006

Bitin sa tulog

6:00 nang umaga... gising na ako... leche... nakakabangag... gadammit...

Wala naman ako masyadong ginawa kahapon...

I woke up at around 11am, had lunch by 12nn and left the house at around 1:45pm.

I arrived at Ateneo by past 2pm for a Coral Reef Champions meeting at the ISO building. Kenneth was already there and I finally got to meet Corin (yes... Kenneth's inspiration for the song, The Moment hehehe). The meeting was quite long, but I got to meet the ISO peeps like Ate Nori, Chee, Magie, Dennis, and Shaggy (believe me, hindi niya kamukha ang best friend ni Scooby Doo hehe). I also met Lorie (she was my classmate in MIS189.2), Arjay, and Denise. Pero ito special mention, Ezra was also there! Yeah! Long time no see Gboy! Astig, tagal ko nang hindi nakasama yun hehehe.

After the meeting, Ken, Jed and I went straight to Drew's to chill. Steady lang dapat eh, kaso nagkasala nanaman si Jerbaxx sa akin hehehe. We also ordered 2 plates of chicken fingers to support the damn drink hehehe.

Then when we were about to go back to our cars, while I was walking towards the door from the balcony area, a girl from the other table just suddenly fell down in front of me, she was completely drunk. I asked her if she was okay, but she was kind of stunned and didn't even realize she was already sitting on the floor. The funny thing was, her two friends didn't even notice she already fell from her seat, they were also drunk hehe. Being the good gentleman that I always am (hehe), I helped her get up to her seat, smiled at her two friends (by the way, yung 2 friends, one was a guy, and the other was a girl, pero super ganda nung girl!!! haha!), and left the place to go home. Pagbaba ko, natawa na lang ako, wa-poise lang talaga yung girl, mahulog ba naman sa paanan ko?!? Haha! Funny incident lang hehehe.

I got home at around 10pm. I already had a headache and I already wanted to sleep, but I couldn't coz I needed to send my resume to FIT-Ed to apply. So I got up from bed and opened the computer to connect to the net. I was supposed to wait for Jed's email about the FIT-Ed thing, kaso iba ang nasend niya sa email ko...

Forward ng reply ni Francis Concio sa Maui Taylor pictures na pinadala sa email... grabe... hehe.

Pero buti na lang, Mike Wage's email about the FIT-Ed thing was still in my inbox kaya nasend ko pa rin yung resume ko (eventually, I found out that Jed's email just came late, hehe pero oks lang.) Another good thing, a friend of mine was online in YM and she just got back from Puerto Galera. So ayun, kwentuhan and shared Puerto pictures lang. Pero sa kakulitan ng kwentuhan, nawala sakit ng ulo ko hehehe, na-miss ko rin siyang kachat, tagal na rin since last time hehehe. I was also able to chat with another good friend of mine na matagal ko nang hindi nakakachat, kaso medyo lang ibang news ang nasagap ko (that also kept me thinking the whole night din). Ang comment niya, "Pitt mas gwapo ka." Haha! Grabe, labo, natawa na lang ako.

I turned off the computer at around 2am and I went straight to bed. Kaso, ewan ko kung bakit, pero hindi talaga ako makatulog kahit napipikit na mga mata ko!

(Kung sino man ang taong nag-iisip sa akin ng gabing iyon, umamin ka na!!! Hehe.)

Anyway, bad trip pa, nag-brownout in the middle of the night, TWICE!!! Shucks, ang init, nakakainis, lalo tuloy ako hindi makatulog. So there, when I was about to fall asleep again, I suddenly felt my tummy grumbling and making weird noises...

Isa lang pumasok sa isip ko... banyo...

After that, I went back to bed, but I just couldn't sleep, so I gave up. I got up from my bed and watched tv outside my room with my mom (na hindi rin makatulog hehe). Ayan, kaya gising na ako nang ganito ka-aga hehehe.


Gusto kong bumalik ng Puerto... kaso dami na raw tao dun ngayon... ito na lang, piktyur:

:P

Monday, April 03, 2006

Isa Nanamang Bum Day

Nag-alarm ako ng 6:00 nang umaga, tumunog ang cellphone sa tabi ko. Kinuha ko lang ito at pinindot ang "snooze", gusto ko pa matulog... hehe. After 45 minutes, nagising na ulit ako, tatlo o apat na beses ko na ata pinundot ang "snooze" ng cellphone ko, kinailangan ko ng bumangon. At bakit ko kailangan bumangon nang maaga? Kasi may exam ako sa Antico Manila Inc. Ano naman ang Antico Manila Inc.? Isa itong kumpanya, software consulting yata hehehe. Basta, nakuha nila ang resume ko sa www.jobsdb.com at ayun, bigla biglang nag-apply daw ako sa kanila para sa posisyong, "Software Engineer Trainee (C/C++)". Ang bangis pakinggan, parang bang sobrang galing ko sa programming, pero kaya nga may training eh, para mahasa hehe. Ayun, gumising ako para sa exam na pupuntahan ko sa Shaw Boulevard ng 9am (since tamad ako mag-komyut, nagpahatid na lang ako, madali na maginhawa pa hehehe)

Nasa loob na ako ng Antico Manila Inc. office ng 8:45am (sakto!), anim lang kaming mag-eexam. Sabi ng instructor, "Please bring out your resumes and if you have you TOR, bring them out too." Parang ganun ang sinabi niya hehe, anyway, nilabas ko ang resume ko na one page, font 8, at may graduation picture ko sa upper right hand corner na 1x1. Proud na sana ako sa resume ko, kaso biglang yung katabing ko, girl siya, mukhang sobrang talino, mukhang nerdoks, naglabas ng resume. Aba! 3 pages! Sinubukan kong silipin kung ano mga nakasulat, at aba! May certification pa! Ang daming nakasulat sa resume niya, nanliit ako. Ang nagpapuno lang sa resume ko ay ang mga seminars na napuntahan ko na required, pero siya, ang lulufet ng mga nakasulat. Sige na, aminin ko na, bulok na resume ko hehehe.

Hay ewan, inabot ng tatlong oras ang exam na puro problem solving at mga tanong tungkol sa programming. Yung exam paper nga wala pang nakasulat na instructions kung ano gagawin, kaya ayun, isang part dun may flowchart na walang instruction kung ano gagawin ko doon. Matagal kong tinitigan ito at sinubukan pang silipin ang test paper ng iba, pero hindi ko rin naintindihan ang gawa nila kaya nag-imbento na lang ako ng sagot, mabuti ng meron kaysa wala. Pagpatak ng 12nn, uwian na, tapos na yung exam, sakit lang sa ulo ang nadulot sa akin. Pag-uwi ko, halong antok at pagkabagot ang pakiramdam ko. Kaya saan nauwi ang aking hapon at gabi? Internet, chat, DOTA, kain, DOTA, ligo, at DOTA. Hehehe, ang saya hehehe. Pero okey lang, dumating naman si Tristan at Avs sa bahay para makilaro ng DOTA. Pero hindi kami magkalaban, magkakampi naman palagi at pinipilit naming salakayin ang kahindik-hindik at madayang kompyuter AI. Hehehe, nanalo naman kami, syempre, dapat lang manalo hehehe. At bago matulog, blog muna hehehe.

Wala na akong makwento, kaya ito na lang pakita ko, Gundam Deathscythe Hell!!!
Haha! Wala lang, pinagaksayahan ko lang ng pera, pero masaya naman i-assemble hehehe. Mahilig lang talaga ako sa laruan, wala naman akong pinagkakaabalahan habang bakasyon eh hehehe. Cool noh? Hehe. :P