Tuesday, October 10, 2006

Oktoberfest sa White Plains! (huh?)

Last Friday, Mar, Hannah, Tristan, Avs, Borj, and I went to Eastwood to check out the Oktoberfest celebration. When we got there, Itchyworms was performing. We watched for a bit then we left the stage area coz it was really hot and you can really feel the vaporized sweat coming from all body heats from the crowd.

Mar, Me, Borj, Tristan, and Avs

Solo ni Hannah since she was the one who took the first picture hehe

Afterwards, we just went to Dencio's to eat dinner and order a bucket of beer. However, the bucket of beer wasn't available and their beer costs P38! So ayun, ala kwenta... Hehe, so we just had one round of beer for the guys, a pitcher of margarita for the girls and some pulutan food.

Swerte naman ng girls, may nabingwit silang gwapo! Wehehehe...
(kapal...hehehe)

Third wheel si Avs kina Borj at Tristan haha!

The food! (Konti lang kasi barat kami... hehehe)

Since the beer and the food were expensive, we decided to go to Borj's house to continue the Oktoberfest celebration hehehe. So we bought Sprite, some Gatorade and a couple of bottles of gin to mix the specialty that Borj calls "Vortex" and "Velocity" (kasi mukhang gasolina hehehe). Jed also came with us to Borj's house, then Gaspal followed right after. Mur and Mits also came since galing silang date (yihee!) and it was Mits' birthday (happy birthday Mits!). Ayun, so inuman lang sa house ni Borj and super kwentuhan. It was a really fun night! Lots of fun kwentuhan and of course, drinking! Oktoberfest nga eh! Naiba lang kami ng venue hehehe. I won't tell who got drunk, but I'm sure it wasn't me hehehe. Here are some pictures:

Pacute na gboys hehe

Mur, Hannah, Me and Mar

Me (huwaaah!) and Avs (peace mehn!)

Me and Hannah banana

Jed and Mits (that's Mits the bday boy hehehe)

A drink for Gas and Jed!

Mur, Mar, Avs and Me

A toast for Oktoberfest!(haha! kahit na hindi naman talaga kami andun sa event!)

It was a fun night, kulit. :P

Wednesday, October 04, 2006

Sarbei...hehe

Nakuhang college sarbei mula sa blog ni chi hehe:

1. Saan ka nag-college? - Ateneo de Manila University

2. Saan ka madalas tumambay within the campus? - First year, Galian room where Tanghalang Ateneo stays, Second year: nagkaroon ng gboys bench na walang tumatambay hehe, third year to fifth year: Gabay room (yeah! the best!)

3. Saan ka madalas tumambay outside campus? - sa Prince David Condo? hehe and sa McDo kapag may exam

4. Anong org/soro/frat ang unang nagrecruit sayo? - Tanghalang Ateneo, COSA, Kythe, Gabay and AECES

5. Anong color ng damit ang madalas mong ulitin? - blue or black shirt! haha!

6. Nagpapambahay ka ba pag papasok? - hindi, I usually wear tshirt, pants and sneakers to school. pag summer, madalas shorts, shirt and sandals.

7. Trip mong gawin pag malapit na ang deadline ng papers? - matulog...then at the last hour or pag madaling araw na, saka magpupuyat at mag-cram hehehe

8. Kapag mainit ang ulo ng prof, ikaw ay... - natutulala at tahimik hehe

9. Kapag bagsak ka sa exam, ikaw ay... - no reaction, kasi sobrang sanay na akong bumagsak sa exam, yan ang buhay ECE hehe

10. Saan masarap pumunta pagkatapos ng exams? - cafeteria para mag food trip! wahahaha! tumatambay din ako sa Gabay room para makipag-chikahan sa mga kakulitan ko dun hehe

11. Anong stuff ang madalas mong i-grocery? - junk food!!!

12. Favorite food kapag “tambayan” time? - chicken strips with gravy! turon! takoyaki samurai balls! basta, anything edible hehe

13. Drink? - beer pare...sulet... hehehe joke lang! Usually buko juice ako or avocado shake or mango shake

14. Anong madalas mong dala sa klase? - ayaw ko kasing may kulang akong gamit kaya usually dala ko lahat. Pad paper, notebook, ballpen, extra ballpen, mechanical pencil, eraser, payong, cellphone, wallet, medyas, tshirt, shorts, brip...

15. Nakatulog ka na ba during class hours? - tinatanong pa ba ito sa akin? eh lagi nga akong tulog sa klase eh!

16. Lagi ka bang late sa class? - hehehe, 1st year, 1st month, 7/9 cuts agad ako sa english class wahahahaha!

17. Nagcu-cutting? - aba syempre, see previous answer hehehe

18. Nakapasok ka na ba ng hindi pa naliligo? - oo! may Thermodynamics exam tapos nag-aral ako the whole night sa bahay nila Jed, then right after, di na ako natulog tapos diretso na kaming exam, walang tulog at walang ligo!

19. Anong ginagawa mo pag tinawag ka ng prof - eh di sasagot ako, "yes sir?" kung recitation, eh di sasagot pa rin ako hehe.

20. Na-eenjoy mo ba ang PE? - of course! I loved all my PE classes: running, ballroom dancing, PE101, and Tai-chi (the number one PE! wahaha!)

21. Mahilig ka din bang mag-DOTA? - hehehe, yep, kakaadik eh. :)

22. Anong computer shop ang preferred mo? - bihira ako maglaro sa computer shop eh kasi hindi naman ako magaling makipaglaban sa mga batikan na manlalaro ng dota.

23. Saang fast food/resto ka madalas? - McDo, Wok this Way, Starbucks hehehe

23. Saan ka madalas magpa-photocopy? - kay Ate Alma sa Colayco (dati yun) tapos nung nagiba ang Colayco, dun pa rin kay Ate Alma sa may Mateo Ricci hehe. Sa CTC din, library at Kostka extension.

24. Sinong una mong crush sa campus? - Si Dingdong Dantes! Wahahaha joke! Si Karylle (yung singer) super crush ko yun nung nakita ko siya sa campus nung first year ko hehehe

25. Sinong una mong kinainisan na classmate? - err... di na lang ako magbabanggit hehehe

26. Sinong una mong nakasundong teacher? - si Mr. Tirol! Yeah, idol!

27. Sinong una mong kinainisan na tcher? - hmm...si Mrs. Nunez, english teacher. Kasi pinagalitan niya ako dati in the middle of the class kahit wala akong ginagawa hehe. Nainis talaga ako noon, napasagot pa ako nun, hehehe, pero nag-sorry siya afterwards. Kaya ayun, bati na kami after, and for the rest of the sem, hindi na niya ako pinagiinitan hehehe.

28. Saan ka madalas kapag Thursday night? - um...Prince David or bahay hehehe

29. Sino-sinong kasama mo? - ex and her roommates

30. Rate your social life at school from 1-10? - 7 I guess

31. Nag-summer class ka ba? What subject? - too many to mention, required summer classes kami eh

32. Saang building ang lungga mo na? - Faura syempre, the best lungga! hehe

33. Kasundo mo ba ang college sec nyo? - oo naman, although hindi ako ganun ka-close sa marami

34. Maingay ka ba sa class? - hehe, it depends, usually hindi

35. Kung mapapagalitan ka ng prof, yun ay dahil - tulog ako! wahaha!

36. First impression sayo ng classmates mo? - bading daw ako... hehehe joke. akala nila tahimik ako and suplado (yata hehehe)

Yan, tapos na. :P

Tuesday, October 03, 2006

Trip to PhilPost

Hay grabe, kakaibang kamalasan lang talaga ang araw na ito hehehe. As what this entry's title states, it's about my adventure to Philippine Post Office along Pasay area near the domestic airport terminals coz I had to pick up the package my brother sent me. Syempre, since alam ko na malayo iyon, plano ko talaga gumising nang maaga para makaalis ako agad and makapasok ako ng office agad. Unfortunately, for some particular reason that I do not know, sobrang tinamad akong gumising and I really felt sleepy when I woke up at around 7am; so, I slept again and when I woke up, it was already 8:30am.

Since I already woke up late, I was trying to rush things at home para makaalis ako agad. I checked all the things that I had to bring: the Philpost notice card, cellphone, bag, and my wallet na may lamang P90. When I got outside, I saw the bank and I thought, "Withdraw kaya ako ng pera?" After 2 seconds of thinking, I finally decided na wag na lang since kung magpapa-gas naman ako sa Petron, I can use my mom's credit card.

So ayun, nagsimula ang aking biyahe papuntang Pasay na ang kotse ay hindi naman ganun karami ang gasolina (medyo praning ako sa gasolina pag nasa last line na ng meter hehehe). Anyway, I took the C-5 route going to the airport area so dadaan yun ng Nichols. When I got to the end of the road from Nichols, naligaw ako! Parang naiba yung route to the airport galing doon so napunta ako sa main road ulit. Syempre, medyo nagpanic ako at baka mawala ako so when I saw the Cubao sign, lumiko na ako dun sa may flyover, going to EDSA pala yun. Then nung nasa flyover ako, nakita ko sa baba, may sign "To Airport" tapos may U-turn na symbol... shucks... Anyway, I just made a U-turn sa EDSA then I took the flyover going to Pasay na lang hehe.

When I got to the intersection where I was supposed to take a left turn at the Petron gas station, naisip ko bigla na magpa-gas kasi medyo ubos na rin. So I told the gas boy to fill up P500 worth of gas. Nung tapos na, I gave him the VISA credit card. Tapos ang sabi niya, "Ay sir, Mastercard lang po kami." Anak ng!!! Eh di ba wala akong pera, so ayun, kinailangan ko pang maghanap ng ATM. So I left the car at the gas station to look for an ATM machine. So I crossed the street where I saw a UCPB bank, eh ang nakita ko Megalink ang nakalagay so umayaw ako kasi malaki kaltas. So I asked the guard kung may Metrobank, sabi niya, "Doon sa may tapat ng McDo." So I walked further sa may McDo area, then finally I saw the Metrobank building. Pagdating ko dun, sarado yung ATM!!! Tapos nakita ko yung Allied Bank sa kabilang street, sarado rin ang ATM!!! Tapos may katabi pang bank yung Allied bank, sarado rin ang ATM!!! Leche talaga... Anyway, so bumalik ako sa may UCPB, naisip ko lang kasi bahala na kahit malaki kaltas. Then when I got there sa ATM nila, may nakalagay pala "Bancnet Megalink." Syet, pwede naman pala at maliit lang ang kaltas...ewan talaga... So I withdrew around P1,500 na para siguradong may pera ako. Bumalik ako ng gas station at nagbayad ng P500.

Ayun, tuloy na ulit adventure ko, yung Philpost, malapit lang pala dun sa gas station by car, before pa mag stoplight kaya mabilis lang, la naman traffic. When I got there, binigay ko na yung notice card nila and I waited for around 10 minutes lang naman. Then they callled my name and pinakita na sa akin yung package na video card na padala ng kuya ko. So nakita ko na and okey na, excited na akong umalis at pumasok ng office. Then the customs broker asked me, "First time mo ba pumunta dito?" Then I said, "Opo." Then he said, "Sinabi ba sayo na may babayaran kang tax para sa package?" Then I replied, "Wala po, meron po ba? Magkano?" Then he explained that there were additional fees like charges and the 12% VAT. So I checked the video card's receipt and it indicated that the card costs around $159. So the customs broker started computing the amount that I was supposed to pay. When he got back, I needed to pay them P2,305!!! Eh P1090 na lang laman ng wallet ko!!! Waaah!!! So I asked again, "Saan po ba may malapit na ATM dito?" Tapos ayun, buti meron sa may Caltex na Equitable. So nilakad ko na lang papuntang Equitable, then when I got there, sarado yung ATM!!! Anak ng tipaklong talaga! Ano ba problema ng mga ATM machines ngayon?!? So I asked the guard kung saan may ATM machine, then he told me meron daw sa loob ng StarMart. When I got there, anak ng... bukas ang ATM machine!!! Thank God!!! Ayun, may IBank dun, at buti Bancnet so di malaki kaltas. Kaya I withdrew P3000 na para sigurado!!! Wahaha!!!

I went back to the PhilPost office and I paid for all the fees that I needed to pay. Even if the customs broker was kind of slow in processing my receipt, he was nice enough to chat with me. He asked if I already went to the US and that he wants to live in the US after he retires. Then he even asked me where I took my college degree, so I said Ateneo. Tapos hirit niya, "Ah, talo kayo kahapon ah, sayang." Hehe, I expected that from him anyway hehehe (pero sayang nga, talo hehehe, great game naman hehe). Then he told me na ang Ateneo raw ang isa sa mga sobrang hinahangaan niyang schools aside sa UP and Lasalle. Pero the best for him daw, Ateneo and UP hehehe. Then I even learned from him that there was a degree in Customs and meron pang board exam at license. Hehe, hindi ko kasi alam yun eh and he even showed me his License as a Customs Broker hehehe, astig. Tapos ayun, finally he handed me the package and it was time for me to get to the office. I got to the office at around 12nn na! Haha! Oh well, thanks to flexitime kaya ayos lang pumasok ng late. Hehe.

It was a very tiring day, but somehow, kahit nakakainis yung mga nangyari, ayos lang. It wasn't that bad anyway even if napagastos na ako at napagod pa ako sa kakahanap ng bukas na ATM machine hehehe. Ang haba nanaman ng kwento ko...tama na... hehehe. :P