Hindi pa tapos ang kamalasan!
Hmmm, so far okey naman yung kotse, wala namang nagiging problema... pero may nasirang iba...
yung TV ko sa kwarto!!! Huhuhu!!! :( :( :(
Nung 5AM nang madaling araw, bigla ko na lang napansin na lumiwanag sa kwarto ko, bigla na lang bumukas yung TV ko. Akala ko napindot ko lang yung remote control. Pinatay ko lang yung TV tapos pumikit na ulit. Pagkatapos ng ilang segundo, bumukas nanaman yung TV! Tapos lumalakas pa yung volume! Ang tagal kong tinitigan yung TV at lumalakas na yung kaba ko, nasa isip ko, minumulto ata ako. Kaya tumayo ako at tinanggal na lang yung saksakan, ayun, di na bumukas. Nagising ako ng 8AM at sinubukan muli yung TV, nag-assume na lang ako na baka sa kuryente nung voltage regulator, pero ganun pa rin, hindi naman ako minumulto hehe, tinotopak lang pala yung TV. Kaya ginawa ko, dinala ko sa Love Electronics sa Marikina, libre examine at estimate raw hehehe. Ayun nga, may problema raw sa system control chip niya at kaya naman daw ayusin, pwede ko na ngang balikan nang hapon. At ito na, ang tanong, magkano? Anak ng tokwa, P1,400 daw kasama na ang labor at palit ng mga parts kasama na yung capacitors for maintenance. Ang sakit, hindi na ata ako matatapos sa kakabayad ng mga nasisira...
Ito pa pala, pagkalabas ko rin ng kwarto, ang unang tanong sa akin ni Dadi, "Bakit ayaw mag-on ng monitor ng pc?" Ay sus, umagang umaga may isa pang sira kaysa sa TV ko. Ayun nga, feeling ko baka sa power supply ng monitor kasi ayaw na talaga mag-on, pero sabi ko na lang kay Dadi siya na bumili ng monitor hahaha! Isang monitor lang naman para sa pc na ginagamit niya, sabi ko balak ko pa bumili ng LCD monitor para sa isa pang pc (good luck sa akin kung makabili pa ako... huhuhu). :(
Hay, dami ko pa naman gustong bilhin, HDTV, PS3, prime lens, boso lens, etc. Pero saka na yun, sabi ko nga, dun muna ako sa medyo mura nang kaunti, Circular Polarizer filter sana kaso mukhang pati iyon ipapagliban ko muna para lang mabayaran yung mga gastos. Idagdag sa listahan:
1. Brakes phase (P1,300)
2. Aircon Condenser (P9,500)
3. Aircon Fuse (P175)
4. Kalso sa brakes para pumantay (walang bayad, tip na lang haha)
5. Left Rear Wheel Vulcanizing (P85)
6. Radiator Drain and Coolant Replacement (P550 yata)
7. Car Battery Replacement (P3,410)
8. TV Repair (P1,400)
:(