Saturday, June 10, 2006

Last day sa work...

Last day... hindi ko last day sa work, pero last day ng officemate ko kasi nag-resign na siya. Siya si Jenie Lago, aka Potpot. Isa sa mga pinakamakulit sa office ng Verifone, pero taga-Antico siya, so technically, officemate ko siya both sa Verifone at sa Antico hehehe. Anyway, 5 months na siya sa Antico, pero out of the blue, bigla na lang siyang nagresign. Honestly, nakakalungkot nung nalaman ko na magreresign na pala siya kasi isa siya sa mga nagbibigay buhay sa office ng Verifone at sa STE team dahil sa kakulitan niya at ang sa kanyang malupit na paghihirit at pambubully sa mga officemates ko, kasama ako hehehe. Well, dagdag pa dito, nakakalungkot kasi recently ko lang siya naging ka-close at madalas nakakakulitan sa office. Kasabay din namin siya mag-lunch, marami kami at masaya kasi grabe ang biruan at hiritan. Marami siyang kwentong kwela at di hamak, wala na kaming ginawa kundi tumawa nang tumawa sa pantry. Nabubusog na kami sa kabag.

So last day niya nung Friday, malungkot na masaya ang araw na iyon. Malungkot kasi huling araw na namin siya makakasama, pero masaya rin kasi ang huling pagsasama namin sa kanya bilang officemate ay naging makahulugan at enjoy. Since Friday nun, lunch out day ng office yun, kaya pumunta ang isang batalyon ng Verifone at Antico employee sa Pizza Hut Megamall para kumain at magpakababoy sa busog hehehehe (kahit mahal hehehe).

Ito ay picture namin ni Karla, ang kasama ko sa SQA area sa Verifone, habang nasa Pizza Hut kami. Si Vanessa ang kumuha ng picture, sayang nga may araw sa likod eh hehehe (si manong waiter nasa likod pa, epal hehehe). Pero astig, liwanag ng picture, natapyas nga lang noo ni Karla hahaha! Kahit napagastos kaming lahat sa Pizza hut, astig pa rin, nag-order kami ng apat na klase ng pasta at isang family size na Meatlover's Pizza, sarrrraaap!!! Syempre busog!

After lunch, balik na kami ng office, at ako, wala nanamang ginagawa, dapat may meeting kami, kaso postponed kaya ayun, tunganga nanaman ako sa computer. Pagdating ng 4pm, nagmessage na si boss ma'am Eden na may Sapin Sapin daw sa pantry. Kain nanaman! Special request daw kasi ni Potpot yung sapin sapin bago siya umalis, kaya ayun, binigay naman ni ma'am Eden ang request hehehe. Grabe, kababuyan to the max ang kainan! Ang sarap pero parang bumigat na ako ng 5 pounds agad nung hapon na iyon hehehe.

Nang dumating na ang mga 6pm, bigla kong naisipan na i-message ang mga natitirang tao sa office. Ang message ko, "Nood tayo Cars!" Haha!

Ayan, picture ng Cars, ang cute ni Lightning Mcqueen!!! (Pero hindi pa rin ako nakakahanap ng happy meal niyan, waaaah!!!) Anyway, so nagyaya ako at syempre game ang mga tao. Dapat 7:30pm yung papanoorin namin kaso si Karla, 7:30 pa raw makakaalis kasi late siya nakapasok at ang dami rin niyang papilit para lang sumama siya (malayo rin naman kasi bahay niya, Cavite pa hehehe). Anyway, ang mga kasama ko, si Potpot, Karla, Vanessa, at Arnel (na kaklase ko pala sa Excel Review pero hindi pa nagpapakita kasi tinatamad hehehe). Since maaga pa, kumain muna kami ng dinner. At saan iyon? Sa Teriyaki Boy!!! Gastos nanaman!!! Originally dapat sa Kenny Roger's kaso biglang si Karla gusto pala ng California Maki, ililibre raw kami ng isang order. Syempre, tumaginting ang salitang "libre" sa aming mga tainga, kaya game! Haha! So kumain nga kami sa Teriyaki Boy at ang aming departing girl na si Potpot, sulit sa kanin! Dalawang order agad ng kanin, hindi ko alam kung saan niya naitatago sa katawan niya ang dami ng carbohydrates na kinakain niya hehe. At gusto na niya umiyak nung biniro namin siya na walang spoon and fork doon, chopsticks lang, hahaha!!! Grabe, magwawala na ata siya kung hindi pa namin binawi hehehe, hindi raw kasi siya marunong magchopsticks at sa gutom niya, wala na siyang panahon para aralin pa iyon. By the way, malupit na mathematician siya na Physics graduate, Cum Laude ata hehehe. Nagulat na lang kami nung pina-compute namin yung hatian ng bayad sa kinain, ayun, in 3 seconds lang ata, ayos na agad ang hatian hahaha!

After dinner, dumiretso na kami sa sinehan, 9:50pm ang start ng movie kaya nagmadali kami. Nung bumibili kami, biglang nakita namin tatlo pa naming officemates, sina Archwin, Tha, at Jeng! Manonood din daw sila hehehe. Kaya ayun, sama sama na kaming nanood ng Cars, ang lufet mehn...ang super cute ng story hehehe. Wala lang, mababaw lang kasi kaligayahan ko kaya kahit na pambata ang palabas, masaya na ako hehehe. Dagdag pa rito, mahilig ako sa kotse kaya gusto ko yung pelikula hehehe. At syempre, hindi naiwasan ang tawanan sa buong movie hehehe. Puro halakhak na lang ang narinig ko, ang sasarap tumawa ng mga officemates ko eh hehehe. Astig, kasi at least hindi ako ang malakas tumawa hehehe. Sulit ang Cars, kahit hanggang dulo pa ng credits hehehe! May parting gift din pala ako kay Potpot, binigay ko sa kanya yung happy meal toy ko na Ramone (the violet car with Hydraulics, cool yun! haha!), ayaw daw niya kasi yung Porsche, gusto niya yung may hydraulics hehehe. Kaya ayun, yun na lang ang remembrance ko sa kanya, ang happy meal toy at utang ko sa kanya na P50 sa sine hehehe (next time na lang daw, pag nagkita kita hehehe).

Pagkatapos ng movie, tapos na rin ang araw, tapos na ang last day ni Potpot bilang officemate namin. Panahon na para maghiwahiwalay at magkanya-kanyang landas. Sumakay na kami ng bus pauwi, humiwalay na sila Karla, Archwin, Tha, Arnel, at Van kasi papunta silang South. Ako naman, kasabay ko si Potpot sa bus kasi Cubao siya umuuwi. Bumaba na si former officemate sa P.Tuazon, habang ako naman sa Araneta. Kinabahan pa ako kasi akala ko mali ang nababaan ko, hehehe. Anyway, nakauwi pa rin naman ako ng buhay hehe.

Sulit ang araw, naging masaya ang lahat kahit na naging magastos ang araw na iyon. Sabi ko nga, nakakalungkot ang araw dahil ang isang kaibigan ko, bigla nang kumalas sa isang samahang akala ko ay tatagal pa. Parang kabarkada ko na siya sa opisina kasama nila Greg, Richelle, Kat, Ryan, Archie, Karla, Van, at iba pa. Astig sana kung tumagal pa, marami pa sanang masasayang samahan, pero syempre, respetado ko ang desisyon niya, ginusto niyang umalis na sa kumpanya. Sana may makuha siyang mas magandang trabaho at sana hindi niya kami kalimutan. Naiiisip ko dati, parang College lang talaga ang karanasan ko sa trabaho pero ito ang isa sa kaibahan ng trabaho sa kolehiyo, minsan, hindi mo inaakala, bigla na lang may aalis at may darating na bago. Bigla na lang, may magreresign na wala kang kaalam alam na aalis na pala siya at last day na pala niya sa Biyernes. Weird eh, sa kolehiyo, pag may umalis, alam niyong magkikita pa kayo one way or another sa school. Pero sa trabaho, iba, future na ng tao ang nakasalalay, hindi pwede ang hadlangan at kailangan mo respetuhin ang future ng isa't isa. Kung kailangang mag kanya-kanya ng buhay, kinakailangan talaga. Malungkot pero ganun talaga. Hindi mo akalain na malay mo biglang yung katabi mo opisina, last day na pala bukas. O kaya naman, malay mo, kahit ikaw mismo, last day mo na pala sa trabaho kinabukasan. May takot din ako kapag dumating ang panahon na ako naman ang aalis at mang-iiwan ng mga taong naging close ko na sa opisina para sa sarili kong kapakanan, hindi ko alam kung kakayanin ko, takot lang ako sa pagbabago talaga, madali akong makontento sa kung ano ang meron ako. Pero syempre, hindi pwedeng ganun, dahil lahat nagbabago, at kahit mahirap, kailangang tanggapin. :P

Paalam at salamat sa mga masayang pagsasama Potpot (kahit sandali lang), siguradong mamimiss ka naming lahat sa Verifone at sa Antico. Mamimiss ko ang mga hirit mo, kakulitan mo, at pambubully mo sa akin sa opisina. Napagkamalan ko pang sabon ang thesis mo na kinagalitan mo sa akin dahil yung thesis mo pala ay isang device para sa Data Gathering ng Hydrogen Sulfide amount sa mud springs ng Mt. Makiling hehehe, naging idol at bossing kita bigla dahil dun hehehe. Bilib ako sa kalakasan ng loob mong sumulong sa buhay at humanap ng mas magandang oportunidad, sana maging maligaya ka sa buhay at sa magiging future career mo. May plano pa naman manood ng Superman Returns sa Imax Theater kaya magkikita kita pa tayong lahat hehehe. Astig ka pare!:P

Ang mga nauto ng Teriyaki Boy (Karla, Me, Vanessa, Potpot, and Arnel)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home