Wednesday, January 31, 2007

Dominated by Estrogen

Hindi ko inaasahan na sa labing-anim na pasaherong pwedeng makasakay sa shuttle sa umaga, ako lang ang lalake sa labing-anim na yun! Wahaha!

Dumating ako sa shuttle area na pang-lima na sumakay sa shuttle. Pagkaraan ng ilang minuto, sunod sunod na dumating ang mga ibang pasaherong bibiyahe ng Ortigas at Makati. Nang nakasakay na ang lahat, parang akong nailang at naramdaman kong "out-of-place" ata ako sa likod ng shuttle. Yun pala, puro babae sila at ako lang ang natatanging ibang uri sa kanila, hehe. Pero syempre, andun pa naman yung drayber kaya dalawa naman kaming lalake sa lahat lahat ng nakasakay sa shuttle hehehe. Siguro ganun na rin ang pakiramdam kapag napasakay ako sa cars ng MRT na pambabae hehehe. Natatawa na nga lang ako kanina sa shuttle habang papuntang office. Natatawa ako sa sarili ko kasi naiiisip ko pa ang mga ganyan ka-liit na bagay sa pagsakay ng shuttle hehehe, baka bored lang talaga ako sa buhay ko hahaha! Pero ayus lang, maganda naman yung nasa tapat ko, morena na slim ang pangagatawan at sa Makati siya nagtatrabaho dahil P45 ang binayad niya sa shuttle hehehe!

Wala na akong makwento hehe, sa ngayon, tatlo ang pinapanood ko sa bahay, Yakitate Japan, Gokusen (na live action at si Sadako ng Ring Zero ang artista na sobrang crush ko hehehe), at Trigun. Saka na ako manonood ng mga Koreanovela, manghihiram na lang ako dito sa office, uso eh hahaha! :P

3 Comments:

  • NATUWA ka naman!!! HAHAHAHA!!! o ikaw rin, dominated ng estrogen katawan mo... hmm... iba na ata yun... hehehe. "Ma'am" ka raw eh :-P

    By Anonymous Anonymous, at 11:15 PM  

  • wahahaha! sira! ma'am lang ako nung mahaba buhok ko! wahahaha! at di ako natuwa nun, napansin ko lang hehehe. sana kung puro magaganda andun, ok yun, eh di naman eh hahaha!

    By Blogger pittasteeg, at 11:50 AM  

  • you're mean!! hahahaha!

    By Blogger chi, at 12:55 PM  

Post a Comment

<< Home